3 kelot sumigaw ng 'Allahu Akbar" todas | Bandera

3 kelot sumigaw ng ‘Allahu Akbar” todas

- July 07, 2019 - 07:34 PM


TATLONG hindi pa nakikilalang lalaki na nagsisigaw ng “Allahu Akbar” bago magpaputok ang napatay ng mga pulis sa isang barangay sa Sto. Tomas, Batangas.

Sinabi ni Col. Edwin Quilates, Batangas police chief, na inaalam pa kung saang grupo konektado ang mga napatay.

Idinagdag ni Quilates na napatay ang tatlo sa nangyaring barilan matapos naman ang anim-na-oras na pakikipagnegosasyon sa mga pulis.

Ayon sa opisyal, nakatanggap sila ng ulat na may mga armadong kalalakihan na madalas na bumisita sa Brgy. San Pablo Nayon, Sto. Tomas, dahilan para magsagawa ng surveillance.

Noong Sabado, nagpunta ang mga pulis sa bahay at nakita sa loob ang mga armadong kalalakihan dahilan para tumawag ng backup, sabi ni Quilates.

Nanawagan ang kapulisan para sumuko ang mga lalaki, na nauwi sa anim-na-oras na standoff, sabi niya

Natapos ang standoff matapos ang pagsigaw ng mga napatay ng “Allahu Akbar” at nagsimula ang palitan ng putok.

Natagpuan ang bangkay ng tatlo sa loob ng bahay at narekober ang dalawang kalibre-.45 na baril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending