Kilalang male star ayaw makita ang anak sa dating dyowa; may kinatatakutan nga ba? | Bandera

Kilalang male star ayaw makita ang anak sa dating dyowa; may kinatatakutan nga ba?

Cristy Fermin |July 08,2019
facebook
share this

Kilalang male star ayaw makita ang anak sa dating dyowa; may kinatatakutan nga ba?

Cristy Fermin - July 08, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon pala ay hindi man lang gumagawa ng kahit anong hakbang ang isang pamosong lalaking personalidad para makita ang kanyang anak sa nakaraan niyang relasyon.

Sabik na sabik na siyang makita ng kanyang anak, pero parang wala namang ginagawang paraan ang male personality para magkita sila, ano nga kaya ang humaharang sa kanya para magkita silang mag-ama?

Kuwento ng aming source, “Hindi naman siguro ang misis niya ang dahilan dahil alam naman ng wife niya ang naging relasyon nila ng mother ng bata.

“Naitago nila nang napakatagal na panahon ang relasyon nila, ni hindi nagsalita ang mother ng bagets tungkol du’n, kahit pa nagagalit na ang family niya sa kanyang sitwasyon.

“Para kasi siyang ibon na nakakulong, hindi siya puwedeng magpa-interview, wala siya dapat sasabihing kahit ano tungkol sa relasyon nila ng male personality.

“Sabi nga ng mga friends niya, e, hindi raw siya flawless, hindi siya maputi, kundi maputla siya. Kasi nga, nasa house lang siya, nakalalabas lang siya kapag dadalaw sa bahay ng parents niya o kaya, e, magpapa-parlor siya.

“Bukod du’n, e, wala na, hindi siya puwedeng makipagbarkada, talagang wala siyang mga kaibigan, ayaw kasi ng tatay ng anak niya!” unang chika ng aming source.

Maayos ang buhay ng mag-ina, may sumalo sa mga obligasyong dapat ay ang male personality ang gumagawa para sa kanyang anak, malinaw na hindi sustento lang ang habol ng bagets mula sa kanyang ama.

Balik-chika ng aming impormante, “Walang ganu’n, talagang gusto lang makita ng bata ang father niya. Siguradong kapag nagkita sila, e, walang kahit anong sumbatan na mamamagitan sa kanila.

“Kung alam lang sana ng kilalang male personality kung gaano siya kamahal at ka-miss na ng anak niya! Hindi kasi kumpleto ang happiness nu’ng bagets kahit pa may mga nagmamahal naman sa kanya mula sa pamilya ng mommy niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang magkukumpleto lang talaga sa pagkatao niya, e, ang father niya. ‘Yun lang, wala nang iba pa,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi naman siguro kayo mga probinsiyano para mahirapan kayong hulaan kung sino ang mag-amang ito, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending