101-anyos na lola solid Kapamilya, bida sa viral ABS-CBN video | Bandera

101-anyos na lola solid Kapamilya, bida sa viral ABS-CBN video

|July 08,2019
facebook
share this

101-anyos na lola solid Kapamilya, bida sa viral ABS-CBN video

- July 08, 2019 - 12:01 AM

PATULOY na naghahatid ng inspirasyon ang anniversary video ng ABS-CBN tampok ang isang 101-anyos na Kapamilya fan dahil sa pagpapakita nito ng pagmamahal sa pamilya, lalo na sa mga nakatatanda.

Mayroon nang mahigit 830,000 views sa Facebook at YouTube ang video, kung saan mapapanood ang pagbisita ng cast ng Kadenang Ginto sa Pampanga para makilala at makasama si Panfila “Mama Nene” Pingul, isang tapat na tagasubaybay ng Kapamilya network.

Ayon kay Mama Nene, napapasaya siya ng mga teleserye lalo na at nag-iisa na siya ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga anak, samantalang may Alzheimer’s disease ang kanyang asawa.

“Masakit pala ang naiiwan,” aniya. Dagdag pa ng certified Kapamilya lola “Pero sa panonood ng ABS-CBN, nakahanap ako ng makakasama.”

Hinandugan ng ABS-CBN si Mama Nene ng simple ngunit masaya at makahulugang selebrasyon ng Mother’s Day, kung saan nakakuwentuhan siya ng mga bida ng paborito niyang programa na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Dimples Romana at Beauty Gonzalez.

Malaking pasasalamat ng apat na maka-bonding si Mama Nene, na nagbigay sa kanila ng magandang mga payo at alaala.

“Lagi po niyang sinasabi sa amin na be happy kasi marami nang problema ‘yung mga tao kailangan ikaw yung maging dahilan naa para maging masaya sila, para hindi na sila malungkot,” pagbabahagi ni Francine.

Dagdag naman ni Dimples, “Grabe ang sarap ma-meet ‘yung pinaka-Lola nating Kapamilya. She’s 101 years old and she watches all our shows mula sa paggising niya hanggang sa gabi. Parang nakakataba ng puso na maging parte ng buhay niya.”

Samantala, dalawa pang madamdaming kwento ang ibinahagi ng ABS-CBN sa pagpapatuloy ng selebrasyon para sa ika-65 taon nitong paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Tampok ang kwento ng isang mapagkawang-gawa na dentista, si Paul Abubakar ng Echano Dental Clinic, na nakipagtulungan sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya para mabigyan ng pustiso at maibalik ang mga ngiti ng isang grupo ng mga nanay na napanood niya sa TV Patrol.

Bukod dito, napanood na rin ang pagbabalik ng dating child star na si Zaijian Jaranilla sa Bacolor, Pampanga, kung saan kinunan ang mahahalagang eksena sa top rating teleserye niya noong May Bukas Pa.

Bukod sa pagdalaw niya sa San Guillermo church, kung saan napapanood sina “Santino” at “Bro,” makakausap din niya ang mga residente doon na nagbago ang buhay dahil sa programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood pa rin ang mga #Kwentong Kapamilya na ito sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol at online sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending