Diego Loyzaga malapit nang magbalik-showbiz; busy sa pagluluto, pagtatanim | Bandera

Diego Loyzaga malapit nang magbalik-showbiz; busy sa pagluluto, pagtatanim

Ervin Santiago - July 01, 2019 - 04:29 PM

DIEGO LOYZAGA

GOOD news para sa mga fans and supporters ng controversial young actor na si Diego Loyzaga.

Kinumpirma ng kanyang inang si Teresa Loyzaga na malapit nang magbalik-showbiz ang anak at umaasa siya na muli siyang susuportahan ng publiko.

Sa guesting ng aktres sa Magandang Buhay kanina, pinasalamatan niya ang mga taong patuloy na nagmamahal at naniniwala kay Diego matapos nga itong dumaan sa matinding pagsubok.

“Ang daming tumatawag sa amin nagpapa-schedule. Ang daming humihingi na mag-attend si Diego. Ayaw namin kayong i-let down. Soon we will be able to give you a date and we will be able to say yes.

“Right now let’s wait in happy anticipation. Again, thank you dahil ‘yung suporta po n’yo ay napakalaking tulong sa amin,” ang unang pahayag ni Teresa.

Aniya pa, “I promise you the day will come when he returns, hindi namin kayo bibitinin. Hindi namin kayo pagsu-suwapangan ng panahon, oras at talento. Babalik siya. At pagdating ng araw na ‘yon, happy na again.”

Sa ngayon, marami raw pinagkakaabalahan sa bahay ang kanyang anak, “Right now, Diego has decided na wala muna akong gadgets. Talagang lahat ‘yan out. He is maturing and he’s realizing what little things actually mean.

“Ngayon gusto niya mag-take over ng kusina, nagluluto na at gusto niyang makialam sa garden ko, ‘yung mga gulay na tinatanim ko.

“Now he wants to go to school. He wants to study directing. Sabi ko why not? Kasi he has an eye, magaling siya sa camera talaga. Alam niya ang shots, alam niya ‘yung codes, sabi ko good on you. So refocus, ‘yun lang ‘yon. It’s a good thing you stop muna, take a break, reassess, refocus and then go,” kuwento pa ng ina ni Diego.

Samantala, nagsalita rin ang character actress tungkol sa sensitibong isyu ng depresyon, “Parang napansin ko lang sa society natin, hindi masyadong napag-uusapan ang depression. At the more na hindi natin ito pinag-uusapan, the more hindi natin ito maiintindihan.

“Kahit ako dumaan din ako sa depression, noong na-realize ko na mag-isa lang ako, paano ko itataguyod ang pamilya ko and all that, tapos ito ganito lang trabaho ko, paano ko babayaran ito.

“Ang daming questions. Alam mo you deal it one step at a time. You reach out, humingi kayo ng tulong. Ang maganda diyan kung mayroon kayong good family support, ‘yung ipaalam mo sa miyembro ng pamilya mo. Huwag mong hanapin kung saan-saan.

“Kasi kadalasan ‘yung mga akala mong mga kaibigan mo ang intention nila is intention ng pamilya, hindi eh, hindi lahat.

“Masasabi ko na lang, kung kailangan n’yo ng tulong huwag kayong mahiya na pumunta sa mommy n’yo, sa daddy, sa kapatid, sa tita n’yo, sa lola. In my case, I’m your mom tell me, make me part of that. It’s not your problem alone, problem natin ‘yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, ang solusyon sa atin din. Huwag mong sosolohin kasi kung ikaw lang talaga, masisiraan ka. So you have to reach out at huwag kang matatakot. Hindi kahiya-hiyang aminin na ‘Hey malungkot ako, mayroon akong hindi maintindihan.’ The more you are vocal about it, the more mahahanapan natin ng solusyon, tapos gaganda ang buhay,” mahabang paliwanag ni Teresa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending