David Licauco, Michelle Dee biktima ng fake news; game na game sa paseksihan | Bandera

David Licauco, Michelle Dee biktima ng fake news; game na game sa paseksihan

Djan Magbanua - June 30, 2019 - 12:25 AM

DAVID LICAUCO AT MICHELLE DEE

BUKINGAN, aminan at kulitan ang naging guesting ng Kapuso stars na sina David Licauco at Michelle Dee sa espesyal na episode ng #ShowbizLive kamakailan.

Nakachikahan namin kasama ang friendship nating si Ervin Santiago sa #ShowbizLive sina David at Michelle para sa promo ng kanilang pelikulang “Because I Love You” under ALV Films and Regal Entertainment.

Sa totoo lang, interesting ang mga kwentong road to showbiz world nina David at Michelle – pareho pala sila ng pinanggalingang school, parehas din silang sumabak sa modeling at first movie rin nila ang “Because I Love You” na idinirek ng award-winning na si Joel Lamangan.

Tinanong namin kung paano sila nalinya sa showbiz. For David, wala talaga sa plano niya ang mag-artista dahil iba ang kanyang hilig.

“Never siya naging part ng plan ko kasi basketball player ako growing up. Gusto kong mag-PBA talaga. Ini-imagine ko na nasa spotlight ako habang nagba-basketball sa UAAP. Tapos noong inisip ko kung ano pang pwedeng mabigay sa akin ng spotlight, something like that.

“Tapos napunta ako sa modeling since parang uso kasi sa La Salle before ‘yung pagpapaganda ng katawan,” unang kuwento ni David.

Inamin din niya sa aming interview na hindi talaga pabor ang kanyang pamilya sa kanyang pag-aartista, lalo na ang pagpapakita niya ng hubad na katawan.

Kuwento pa niya, noong rumampa siya sa isang fashion event suot ang napaka-revealing niyang underwear ay napapapikit na lang daw ang kanyang mommy.

For Michelle naman, modeling was just a way for her to make some extra money. Kahit anak siya ng dating beauty queen na si Melanie Marquez never daw siyang hinubog ng ina na sumunod sa yapak nito.
Acting was far from her mind, until maranasan niyang sumama sa mga workshop.

“Eh, ‘yung acting parang matagal kong sinasabi na ayoko sa showbiz kasi hindi ko naman gustong umarte. Until I attended a workshop. That really made me fall in love with the craft,” kwento ni Michelle.

Bilang parehong model, tinanong din namin sila, was there ever a time na nakaranas sila ng harassment sa mundong napili nila?

“Personally, ako wala pero may mga naririnig ako from friends. I feel like what protected me from that was the family. Parang automatic, kapag nalaman nila (anak ni Melanie at ng actor-producer na si Derek Dee) may ano (takot) na sila e,” sey ni Michelle.

Pagdating naman kay David, “Siguro sa akin ‘yung, parang lagi kang pinaghuhubad, pero wala naman talagang pupuntahan ‘yung shoot. At that time 18 years old pa lang ako, so, gagawin mo na lang.”
Kilala kasi si David sa pagkakaroon ng magandang katawan na pinagnanasaan ng maraming babae at kabadingan.

Nilinaw din namin ang ilang controversial issues tungkol sa kanila, tulad na lang ng isang blind item kung saan nakipag-threesome umano si David sa mga co-stars niya sa isang pelikula – sina Teejay Marquez at Enzo Pineda.

Natawa lang daw si David nang mabasa niya ito, “Lumabas yung blind item na ‘yun, hindi pa nag-i-start ‘yung shooting namin so, parang siraulo naman, di ba? Sabi ko nga sa kanila, I mean gusto nilang magka-content ng ganu’n (Facebook page), gusto nila gumanda ‘yung page nila, I have nothing against them na gusto nilang pagandahin ‘yung page nila so siguro bahala na sila.”

Fake news din daw ang lumabas na chika na may relasyon si Michelle sa kapwa niya Kapuso actress na si Mikee Quintos.

“Mikee and I go way back. As in highschool pa lang. Highschool magkakilala na kami. First year siya or second year and ako two batches higher,” paliwanag ng dalaga. “Close talaga kami noon pa kaya siguro nabigyan nila ng ibang meaning,” she added.

Sa pagtatapos ng programa, nagpa-game kami sa dalawa, ang Bowl of Questions kung saan bubunot sila ng mga tanong pero may choice sila kung sasagutin ba nila ito o hindi.

First question, share fun facts na nalaman nila sa isa’t isa. For David, yung pagiging sobrang chill lang daw ni Michelle na “what you see is what you get.”

“Bago ko makilala si David, impression ko sa kanya masyadong mahangin. Pero hindi naman, down to earth naman pala siya,” chika naman ni Michelle.

Isa pang hard question na nabunot ang kung ano ang pinaka-hate nila sa showbiz life. Both answered the late working hours.

“In the states kasi may unions and may organizations that protect artists. So, sila may regular working hours dito parang sometimes you’re on set for 24 hours tapos may work ka pa the next day para sa ibang show. Nadyo-jeopardize yung health,” paliwanag ni Michelle.

Sa “Quickie Talk” segment naman ng #ShowbizLive”, natanong si David kung sino para sa kanya ang tatlong sexiest local female celebrities. Sagot ng Kapuso hunk: sina Nadine Lustre, Julia Barretto at siyempre, ang ka-loveteam niya sa kanyang launching film na “Because I Love You” na si Shaira Diaz.

Kung makakaharap naman niya si Pangulong Rodrigo Duterte, ang unang sasabihin niya ay, “Inom tayo! Joke! Hahahahja! Wala akong maisip.”

For her part, gusto naman ni Michelle na makatrabaho in the future sina Dingdong Dantes, Cherry Gil and Solenn Heussaff. Top three acting inspirations naman niya sina Johnny Depp, Robert Downey, Jr. and Heath Ledger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, showing na ngayon ang “Because I Love” sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending