“I said YES.”
“We’re engaged!”
Yan ang magkasunod na pasabog ni Angel Locsin sa kanyang Instagram post ngayong araw.
Yes, nag-propose na nga sa Kapamilya actress ang boyfriend niyang si Neil Arce na agad ibinalita ng dalaga sa kanyang fans and followers.
Unang ipinost ni Angel sa IG ang litrato ng kanyang kamay suot ang engagement ring habang blurred naman ang itsura ni Neil na nakatayo at nakataas ang dalawang kamay. May caption itong: “Surprise of my life.”
Sa second photo naman, makikita si Angel na suot pa rin ang engagement ring habang nakaharap sa kanyang future husband. Dito nga niya inilagay ang caption na: “I said YES (heart emoji).”
Sa ikatlong photo naman ay may pa-kissing scene na ang dalawa. Makikita si Angel sa picture na nakataas ang kamay kung saan nakasuot ang singsing habang nakaturo naman ang daliri ni Neil sa daliri ni Angel kung saan nakasuot ang ibinigay niyang engagement ring.
Sa isang post naman ni Neil, makikita ang blurred photo nila ni Angel kung saan hawak niya ang diamond ring. Caption niya sa litrato, “Excuse me miss… I have a question…”
Hanggang sa mag-YES na nga si Angel sa kanya at tanggapin ang kanyang proposal. Sa sumunod na post ni Neil ito na ang kanyang caption: “Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life.”
Bumaha naman ng positive feedbacks at “congratulations” sa IG accounts nina Angel at Neil. Kabilang sa mga celebrities na agad-agad pinusuan ang engagement ng dalawa ay sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Lovi Poe, Boy2 Quizon, Yasmien Kurdi, Raymond Gutierrez, Barbie Imperial, Maris Racal, Andrea Torres, Jerald Napoles, Coleen Garcia at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.