John Roa: Buo pa rin ang Ex Battalion, OK na uli kami | Bandera

John Roa: Buo pa rin ang Ex Battalion, OK na uli kami

Bandera - June 29, 2019 - 12:20 AM

JAY MONTELIBANO, JOHN ROA AT JEREMY GO

HINDI totoong nagkawatak-watak na ang Ex Battalion. Yan ang kinumpirma ng dating member ng grupo na si John Roa.

Nilinaw din niya ang balita na galit sa kanya ang ExB matapos siyang magsolo at pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency. Maayos pa rin ang daw relasyon niya sa grupo, sa katunayan, kamakailan lang ay magkakasama pa sila.

Siya pa raw ang gumawa ng paraan para muling maging solid ang kanilang pagkakaibigan. Ani JRoa, “Kumbaga, wala na po sa amin yun. Wala na. Nakipag-usap ako sa kanila. We’re good friends. We can still make music together.

“I can make my own music. They can do their own stuff. Parang ang importante, at the end of the day, may suporta sa isa’t isa,” paliwanag pa ng rapper nang makachika ng entertainment media sa presscon ng “Guinness World Record Attempt for Most People Dribbling Basketball Simultaneously” na ginanap sa SMX Convention Center, sa SM Mall of Asia kamakalawa.

Si JRoa ang kumanta ng jingle ng nasabing event na gaganapin sa SM Mall of Asia Concert Ground sa July 21.

Ibinalita rin ni JRoa na may collaboration uli sila ng Ex Battalion, “Actually, du’n ako ngayon. Kasi si Boss Juan, siya ang magmi-mix nung ilalabas kong EP (extended play), hopefully this July 19.

“We’re working on the songs for three days. Kaya ginagawa ko yung sarili kong music, para marinig ng tao yung bagong message ko sa kanila, yung bagong tunog.

“Gusto ko pa rin talagang ibalik yung bonding, kasi yun ang talagang nawala dati. Ngayon bumalik siya, and imagine leaving the group, and now I’m releasing my first EP, and ang magmi-mix nung vocals is the guy who mixes my vocals as ExB,” aniya pa.

Samantala, handang-handa na ang Go For Gold Philippines para ibandera ang kakayahan ng Filipino basketball community “to break the Guinness World Record for the most number of people dribbling simultaneously.”

Mismong ang Go For Gold godfather na si Jeremy Go ang nag-announce sa ginanap na mediacon na may 10,000 dribblers ang kanilang inimbitahan para sa July 22 record-shattering feat na gaganapin sa Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City.

“Being a SEA Games year, we want to be able to encourage a lot of Filipinos to be active in supporting sports and our national athletes,’’ ani Go.

Dagdag pa niya, suportado ito ng International Basketball Federation (Fiba), Philippine Olympic Committee a Philippine Sports Commission at ng Viva management sa pangunguna ni Jay Montelibano.

“Also in line with our motto ‘Basta Pilipino Ginto,’ where we believe that the Filipino deserve the best, whether it is in training, sports, events, even scratch tickets, we want to have an international record that we can be proud of,” dagdag ni Go.

The current record-holder is the United Nations Relief and Works Agency (UNRWA), who assembled 7,556 people in Rafah, Gaza Strip, Palestine on July 22, 2010.

Ang mga Scratch it! brand ambassadors na sin Nadine Lustre at Sam Concepcion ay makikisaya rin sa event kasama si John Roa, ang Karencitta, This Band at Allmost.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Go For Gold will be giving away a kit, containing special freebies, which will be distributed to the attendees on the day of the event. Save the date, pre-register now, and join the Guinness World Record Attempt for free.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending