ARESTADO ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pangangatay ng mga aso at nagbebenta ng mga karne ng aso sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Nailigtas din ang pitong aso mula sa katayan.
Nahuli ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Danilo Gallardo sa kanyang bahay kung saan umano kinakatay ang mga aso at pagkatapos ay ipinagbibili ang karne sa Barangay Amihan, Cabanatuan.
Lumahok din sa operasyon ag mga miyembro ng animal welfare group na Animal Kingdom Foundation.
Nakumpiska sa bahay ni Gallardo ang anim na kutsilyo, malaking kaldero at salaan.
Sinabi ng CIDG na nahaharap si Gallardo sa paglabag sa Republic Act 8485 o “Animal Welfare Act of 1998” at Republic Act 9482 o ang “Anti Rabies Act.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.