SA kauna-unahang pagkakataon ay nakita naming umiyak on national TV si Baron Geisler.
Ito’y habang ikinukuwento niya sa episode kahapon ng Magandang Buhay ang mga pinagdaanan niya sa bago ang bagong version ng kanyang sarili ngayon.
Isa sa mga nagmarka sa mga manonood ay ang paghingi niya ng sorry sa kapatid na si Donnie. Hindi raw kasi niya pinakinggan ang mga payo sa kanya ng kapatid noong kasagsagan ng kanyang pagiging alcoholic.
“I actually just want to apologize to him. I’m sorry, Bro, I never listen. You were just like fending out for me. I was living a bohemian lifestyle and I thought I was just an artist and all of that but it didn’t work out. Now, I understand what you really mean.
“Even when mom was alive. I love you very much, man. And thank you for supporting me all throughout hanggang ngayon,” chika ng aktor.
Hanggang ngayon ay tina-try pa rin niyang maging mabuting tao, araw-araw ay nakikipaglaban siya sa mga kanegahan sa paligid para mapanindigan ang kanyang pangako sa sarili at sa kanyang pamilya na tuluyan nang magbabago.
Ilang beses nang nasangkot si Baron sa iskandalo at kontrobersiya pero patuloy pa rin siyang nabibigyan ng chance na makabalik sa showbiz. Marami ang nagsasabi na magaling kasi siyang aktor kaya kahit sablay ay pinagkakatiwalaan pa rin siya sa TV at pelikula.
“Pero kahit anong galing mo, parang sa workout, kailangan 10% lang ‘yung talent, 90% ang attitude. I’m doing my best to be a better person,” aniya.
Narito naman ang mensahe sa kanya ng kapatid na si Donnie, “Actually hindi niya nakikita palagi na I’m proud of him. There are times na I want to bother him pero alam kong sobrang busy and I want to respect his busy time.
“Gusto ko na ma-realize niya na how good it is to be really busy and have a better purpose in life,” ani Donnie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.