Ex-gov’t official ayaw sumawsaw sa Recto Bank incident
LUMABAS ang pagiging barakikay ng isang dating opisyal ng pamahalaan sa isyu ng kaguluhan sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Minsan kasi siyang natanong hingil sa nasabing isyu pero tumanggi na siyang magpa-interview dahil wala naman daw siyang sasabihing maganda sa kasalukuyang pamahalaan.
Mahusay na abogado at kilalang kritiko ng pamahalaan ang bida sa ating kwento ngayong araw na nagtangka ring makapwesto sa gobyerno noong nakalipas na halalan.
Pero sadyang mailap sa kanya ang kapalaran kaya sa kangkungan na lamang pinulot ang kanyang ambisyon bilang isang elected official.
Nang subukang ibahin ng nagtatanong na reporter ang isyu ay bigla itong nagtaas ng boses.
Wala nga raw siyang ibibigay na komento sa mga isyu dahil busy siya sa ngayon sa ilang mga bagay na hindi naman niya idinetalye pa.
Lalong nag-init ang bumbunan ng ating bida nang ungkatin ang kanyang lovelifie.
Noon pa mang nasa pamahalaan ang ating bida ay maugong na ang mga balita na lalaki rin ang kanyang type.
Makalipas kasi ang eleksyon ay tila gamot na rin daw na nag-expire ang relasyon nila ng isang may edad na rin namang aktres na hiwalay sa kanyang asawa.
Bagaman ayaw nilang aminin, halata na tapos na ang kanilang gimmick bukod sa kilala naman talaga si Sir na iba ang gender preference.
Ang bida na ating kwento ngayong umaga ay kilalang imbyerna sa kasalukuyang pamahalaan ay si Mr. P…as in Piyaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.