Netizens kay Juday: Wag na nating sisihin ang GMA sa nangyari kay Eddie
Hindi pa pala nakakatrabaho ni Judy Ann Santos si Eddie Garcia kaya naman labis ang panghihinayang niya na wala nang chance na magkasama sila sa isang project.
Nag-post din ng mahabang mensahe si Juday para sa aktor at binalikan ang mga pagkakataon na ginunita ng aktres ang mga pagkakataon na nakakasama niya ito sa mga events.
“Nakakalungkot… nakakahinayang na hindi ko nagawang makatrabaho ang isang napaka professional at batikang artista. Pero naggawa kong makamayan at makausap ng maraming beses.
“Mara-ming salamat tito eddie. Mananatili kang nag iisa sa industriyang ito.
“Sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks sa tamang pag aalaga, pagbigay ng sapat na kaalaman sa lahat ng taga production artista man o hindi, pagdating sa mga ganitong sitwasyon…maaring naiwasan sana…” sabi pa ng misis ni Ryan Agoncillo.
Ang tinutukoy ng aktres ay ang unang napabalita na kaya natumba si Manoy sa taping ng ginagawa niyang serye sa GMA (Rosang Agimat) ay dahil napatid ito sa isang cable wire habang tumatawid sa isang kalye. Ito rin ang dahilan kung bakit nagka-fracture sa bandang leeg ang aktor.
“Paalam sir eddie garcia.. hanggang sa huli ibinukas mo ang mata ng industriya..kung paanong dapat pahalagahan at wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtatrabaho sa produksyon. Mapayapang paglalakbay sir eddie,” dagdag pang mensahe ni Juday.
Isang netizen naman ang nagkomento sa sinabi ni Juday, hindi raw tamang manisi ang aktres sa nangyari kay Eddie, “Kailangan bang i-blame ang pagpanaw ni Eddie Garcia sa nangyari? Aksidente nga di ba!
“Lets just pray for his soul and remembers all his good doings and being a great actor!
#istillloveyouJuday. Pero hwag ganon, maybe God has a purpose in everything, we just have to accept what happened and not to blame!”
Sagot naman sa kanya ni Juday, “Again wala po akong sinisisi.. im just saying and hope maging daan ito para sa lahat na maging handa sa mga ganitong klaseng aksidente at insidente (sic).”
Isa pang netizen ang nagtanong sa kanya ng, “Masasabi mo po ba yan kung sa mother network mo yun nangyari?” Tugon ng aktres, Sagot ni Juday, “Yes.”
Samantala, may isa pang umalma sa mga pahayag ni Juday at nagsabing hindi dapat sisihin ang GMA o ang produksiyon ng Rosang Agimat sa nangyari kay Eddie, “Minsan po tlga kahit gusto pa natin makasama pa sila kung hanggang dun n lng po ang niloob ng Diyos wala naman po tayo magagawa.”
Maikling sagot ni Juday sa kanya, “Wala namang may gusto sa nangyari im sure.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.