PUMANAW na ang veteran actor na si Eddie Garcia Huwebes ng hapon sa Makati Medical Center. Siya ay 90.
Base sa medical bulletin na ipinalabas ng Makati Medical Center, namatay si Garcia, Eduardo Garcia sa totoong buhay, ganap na alas-4:55 ng hapon.
Kung matatandaan, noong June 8, naaksidente ang premyadong aktor sa taping ng Rosang Agimat habang ginagawa ang isang action scene. Napatid si Manoy sa isang kable at natumba na siyang dahilan kaya nagtamo ito ng neck fracture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending