Vice: Ang healthy-healthy po ng lovelife ko ngayon!
WALA nang itinatago ang rumored couple na sina Vice Ganda at Ion Perez o mas kilala bilang si Kuya Escort sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Kilig na kilig ang mga fans ni Vice nang kumalat ang mga litrato nila ni Ion sa social media na kuha habang nagsa-shopping sila sa isang kilalang mall.
Napiktyuran ang dalawa ng ilang taong nasa mall at ipinost nga ito sa kanilang social media accounts. Komento ng mga netizens, happy sila sa magdyowa dahil nagagawa na nilang irampa ang isa’t isa kahit sa mga public places.
“Yan ang meme Vice namin! Wala siyang pake sa sasabihin ng ibang tao. Basta masaya silang magkasama ni Kuya Ion. Nagagawa na nila ang ginagawa ng normal couple. And inggit much dahil proud na proud din si Kuya Ion kay meme!” komento ng isang supporter ni Vice.
Sey naman ng isa pang netizen, “Go, go, go Vice! Patunayan mong walang pinipiling gender ang love! Dedma sa mga moralista na akala mo kung sinong malilinis! Basta we wish you guys real happiness. Sana nga hindi ka iwan ni Kuya at lagi ka niyang alagaan!”
Bukod dito, may isa pang photo sina Vic e at Ion na nasa Instagram kung saan nakuhanan silang sweet na sweet with matching holding hands pa. Kuha raw ‘yun sa birthday party ng isa nilang friend.
Sa isang episode naman ng Showtime, inamin ng Unkabogable Star na super happy and healthy ng kanyang lovelife ngayon.
Bago kasi matapos ang “Tawag ng Tanghalan” sa Showtime nitong nakaraang Lunes ay walang kaabug-abog na sinabi ni Vice na “healthy-healthy” ang kanyang buhay pag-ibig.
Nang iabot kasi ng isang Showtime dancer ang resulta sa TNT kay Vice, nag-dialogue ito ng “Thank you, Neri. Ang ganda-ganda ng hair ni Neri, ang healthy-healthy. Parang love life ko.”
Pagkasabi nito ni Vice ay nagsigawan agad ang studio audience kasabay ng panunukso ng kanyang mga co-hosts. Siya na raw kasi mismo ang nagbubuking sa lovelife niya. Isang simpleng “Tse!” lamang ang isinagot sa kanila ng TV host-comedian.
Hindi pa rin diretsong umaamin sina Ion at Vice tungkol sa kanilang tunay na relasyon, pero ayon nga sa kasabihan, “Action speaks louder than words!” Kailangan pa bang i-memorize ‘yan!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.