Kikitain sa block screening ng KathDen movie diretso sa charity | Bandera

Kikitain sa block screening ng KathDen movie diretso sa charity

Jun Nardo |June 14,2019
facebook
share this

Kikitain sa block screening ng KathDen movie diretso sa charity

Jun Nardo - June 14, 2019 - 01:00 AM

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

DAMA na ang excitement sa loyal fans ni Alden Richards nang ilabas na ang teaser para sa movie nito at ni Kathryn Bernado na “Hello Love Goodbye.”

Agad-agad nang nagpa-schedule ng block screening ang isang grupo ng fans ng Pambansang Bae para sa bagong pelikula nito, ang AldenOfficial (kung tama ang nabasa namin sa Twitter).

Ayon sa nasabing tweet, sa Aug. 4 ang pa-block screening ng grupo sa Robinson’s Galleria. Ang beneficiary nito ay ang House of Hope sa Davao na matagal na ring tinutulungan ng supporters ng Kapuso heartthrob.

Kamakailan, isang grupo naman ng fans ng binata ang nagsagawa ng isang charity work sa mismong food chain na pag-aari ni Alden sa Biñan, Laguna.

Samantala, para naman sa mga fans and followers ni Maine Mendoza, abangan ang pag-aala-Dante Gulapa niya ngayong Sabado sa episode ng Daddy’s Gurl.

And yes, special guest din sa Kapuso sitcom ang viral sensation na si Dante Gulapa. Let’s wait kung kakasa ba si Maine sa isang matinding dance challenge.

Speaking of Alden, kakaririn na niya ang pagiging sexy and lean na bunga ng ilang months niyang pagwo-workout and diet. Paghahanda na rin ito para sa kanyang comeback sa TV.

“Reward ko na rin sa sarili ko na medyo maganda ‘yung feedback ng mga tao with this look. And parang ayaw ko rin namang sayangin. Sayang naman ‘yung hirap. And so maintain na lang for future projects,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending