Grace Poe: Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ | Bandera

Grace Poe: Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ

Cristy Fermin |June 14,2019
facebook
share this

Grace Poe: Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ

Cristy Fermin - June 14, 2019 - 12:50 AM

FERNANDO POE JR. AT EDDIE GARCIA

Ilang araw nang “in deep sleep” ang magaling na actor-director na si Mr. Eddie Garcia. Maraming nag-aalala na baka magising man siya ay hindi na bumalik ang dati niyang sigla.

Nasa kritikal na estado pa rin si Tito Eddie na ilang araw na ang nakararaan ay nagkaroon ng freak accident habang nasa taping ng kanyang bagong serye sa GMA 7.

Napakalaking epekto, sabi ng isang source na nakakuwentuhan namin, ang kuwento na may dalawampung minutong nawalan ng oxygen si Tito Eddie.

Hindi rin nakaganda sa kanyang sitwasyon nang bumagsak siya ang paraan ng pagsusugod sa kanya sa ospital na pangko-pangko lang ang mga nagdala sa kanya.

Mismong mga doktor ang naghahabilin na sa mga ganu’ng klase ng aksidente ay kailangang pahigain ang pasyente sa isang matigas na higaan nang naka-neckbrace.

‘Yun ang dahilan kung bakit nagkaroon ng severe cervical fracture si Tito Eddie, hindi siya nabigyan nang tamang proseso nang itakbo siya sa pinakamalapit na ospital na natagalan pa nga, dahil sa kawalan ng service ng produksiyon.

Hindi naman nagpapabaya ang pamunuan ng GMA 7, araw-araw ay may mga nakatalagang para alamin kung ano na ang nangyayari sa kanilang artista, pati ang gastos sa ospital ay ang network din ang sasagot.

Taimtim na panalangin pa rin ang hinihiling ng pamilya ng premyadong aktor. Nagpapasalamat ang pamilya ni Tito Eddie sa lahat ng mga nananalangin para sa kanyang paggaling nang mabilisan.

Nu’ng isang gabi ay dumalaw si Senadora Grace Poe, ang kanyang sabi, “Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ.”

Madaling-araw namang dumalaw si Coco Martin na matagal na nakasama ni Tito Eddie sa seryeng Ang Probinsyano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending