Alden, Maine nag-iiwasan sa Bulaga; magic ng AlDub waley na

By Alex Brosas June 13,2019
share this

Alden, Maine nag-iiwasan sa Bulaga; magic ng AlDub waley na

By Alex Brosas June 13,2019
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

AYON kay Jose Manalo, hindi naman pinaghihiwalay sina Alden Something and Maine Something.

“Hindi naman siguro pinaghihiwalay. Parang mga bata yung dalawang yun pag nag-uusap, nagbibiriuan.

“Nagbago, lalo si Maine… nagbago, kasi gumaling lalo si Maine. Ah, sa hosting, lumabas na ‘yung galing nung bata sa paghu-host. Ganu’n din naman si Alden, hindi natin matatawaran. Pero ‘yung pagbabago para sa kanila, kung itinatanong ninyo ‘yung sweetness nila… ‘yung sweetness, nandoon, e! Naghaharutan yung dalawa.”

That was Jose’s recent dayalog as reported by an online portal. Pinalagan ito ng netizens.

“Matagal na silang separate kahit sa EB kapag nanjan si Alden sa studio si Maine nasa field. Saka wala naman talagang SILA. Sinakyan lang nila yung kantiyaw ng mga tao. Sumikat yung mga ganap nila kaya pinagpatuloy lang nila yun mga arte nila kasi sakay na sakay ang mga tao.”

“Ang bilis naman ng pangyayari dati sikat na sikat ang AlDub ngayon buwag na talaga ang loveteam nila.”

“Obvious naman na nag-iiwasan na ang AlDub. Hindi na sila pinagpaparehas. Tsaka wala na silang spark.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending