Jennylyn sa bagong batch ng Starstruck: Just believe in the power of your dreams to survive

By Jun Nardo June 13,2019
share this

Jennylyn sa bagong batch ng Starstruck: Just believe in the power of your dreams to survive

By Jun Nardo June 13,2019
share this


SA pamamagitan ng isang video, nagbigay ng mensahe si Jennylyn Mercado sa lahat ng nakapasok sa StarStruck Season 7 sa ginanap na mediacon ng original artista search ng GMA 7 kamakailan.

Hindi kasi nakarating ang Ultimate Star sa presscon dahil sa prior commitment ng dalaga. Sa simulang bahagi ng video message ni Jen, sinabi niyang hindi siya makapaniwala na 15 years na ang lumipas simula nang siya ay tanghaling kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng StarStruck.

“It’s been 15 years simula nang nanalo ako ng unang season. Grabe ang tagal na pala, ‘no? Pero habang buhay po akong magpapasalamat sa StarStruck dahil nabago po ng lubusan ang buhay ko.”

Pagpapatuloy pa ng tinaguriang RomCom Queen, “Dahil sa StarStruck, na-reach ko ‘yung dreams ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko kaya excited na ako sa bagong season dahil marami na namang mga kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon na matupad ang pangarap nila na maging artista.”

Narito naman ang advice ni Jen sa bagong batch ng StarStruck hopefuls, “Sa mga bagong batch ng hopefuls nasa tagline na ng show ang mga kailangang tandaan para sa kanilang artista journey. Just believe in the power of your dreams to survive StarStruck.”

Magsisimula na ang StarStruck Season 7 sa June 15, pagkatapos ng Daddy’s Gurl; at tuwing Linggo, kasunod ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Makakasama rin ni Jen bilang host ng StarStruck si Dingdong Dantes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending