Cherie Gil seryoso sa warning na ‘don’t call me tita’, ayaw din ng ‘beso-beso’
HINDI nagbibiro ang La Primera Contravida na si Cherie Gil nang sabihin niya sa teaser ng StarStruck Season 7 ang linyang, “Don’t call me Tita!”
Ayon kay Cherie, malalim ang hugot niya sa isyung ito at hindi basta punchline lang na kanyang binitiwan. In fairness, naging viral din ang “Don’t Call Me Tita” post ni Cherie noong December, 2018 na patama sa lahat ng mga katrabaho niya na tumatawag sa kanya ng tita.
Sa nakaraang mediacon ng StarStruck Season 7 kung saan isa si Cherie sa mga uupong member ng Council (judges), naikuwento niya na ang kanyang hugot post tungkol dito ay isinulat niya pagkagising na mainit ang kanyang ulo.
“Ang unang-unang inilagay ko, ‘Never call me Tita.’ Tapos, ipinasa na ni Lea Salonga, she posted it and shared it and, somehow, it became viral to the point na blogs were written about it.
“It became a social issue. Yun pala, marami na ang nag-a-identify sa akin na mga women my age, who actually find it awkward to be called tita just because it’s meant that you’re older.
“So what gives you the right to address someone as tita? So yun, naging usap-usapan, dun na nag-start,” paliwanag ng seasoned actress.
Paliwanag pa niya, “Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita. Yung mga kilala ko! Uphold the term tita to those who really deserve the term tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friend.”
Ayon pa kay Cherie mas weird daw yung mga taong tumatawag sa kanya ng tita kahit hindi pa nagpapakilala sa kanya.
“Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba? Just because you appeared on TV, I’m supposed to know you?”
Inamin din ng aktres na may baguhang artista na talagang pinagsabihan niya tungkol dito, “Hindi naman lecture. ‘Pamangkin ba kita?’ Ganu’n. But I do it in a way na joking lang. They don’t really get offended naman.
“Madami ‘yan, mga assistant director, ‘Tita, dito po kayo.’ A, excuse me, kailan ba kita naging pamangkin?'” hirit pa ng StarStruck judge.
Hindi rin feel ng award-winning actress ang paghalik sa kanya ng mga artista bilang pagbati.
“Never ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are! Introduce yourself first!” ang babala ni Cherie.
Sa halip daw na ibeso siya, mas okay pa raw kung magmamano sa kanya ang mga younger artists, “Nang lumabas yun, naiilang na rin silang mag-kiss.
“Yung beso nila, di ba, may nagbebeso sa noo, ilong? Huwag na lang magbeso. May isang nagbebeso, nagbe-bend pa, andito,” sabay turo sa kanyang dibdib.
“I’ve already said it many times, don’t kiss if you don’t do it naturally. Sad na nawala yung mano. Maganda yung mano.
“May mga anak ng cameramen, pumupunta sa set, diretso sila sa isa’t isa, mano pa rin,” aniya pa.
Samantala, siguradong magiging exciting at intense ang bagong season ng StarStruck with Cherie Gil as judge along with Heart Evangelista and Jose Manalo. Magsisilbi namang hosts sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
Magsisimula na ito sa June 15, every Saturday after Daddy’s Gurl and every Sunday after Daig Kayo Ng Lola Ko, on GMA 7. Sabi nga ni Dingdong, unang pasabog pa lang ng show, may tanggalan agad na magaganap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.