Bata pinainom, pinagyosi; ina at BF kalaboso
INARESTO ng pulisya ang isang 25-anyos na ina at boyfriend nito na nagpa-inom ng alak at nagpa-yosi sa anak nitong dalawang taong gulang na batang lalaki sa Quezon City.
Naaresto sina Gina, 25, ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches at boyfriend nitong si Michael Ramores, 30, ng Libis Bulelak, Brgy. Malanday, Marikina City, matapos mapanood ng ama ang video ng bata.
Nangyari umano ang pagpapa-inom at pagpapasigarilyo sa bata noong Mayo18 sa 8th Avenue Apartelle, Brgy. Socorro, Cubao.
Ayon sa ama ng bata nakita niya ang video sa cellphone ng kanyang dating kinakasama. Kumalat ang video sa social media.
Humingi ng tulong ang ama sa pulisya upang makuha ang bata at maaresto ang mga suspek.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ang bata ay dinala sa QC-Social Services and Development Department.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.