Supladong hunk actor namahiya ng fan sa loob ng bar | Bandera

Supladong hunk actor namahiya ng fan sa loob ng bar

Cristy Fermin - June 07, 2019 - 12:45 AM

MATINDI ang sumpong ng isang pamosong young actor na walang kuwestiyon ang kaguwapuhan. Bulag na lang ang hindi magsasabing napakaguwapo niya.

Pero sa likod ng kakisigang ‘yun ay ang napapansing kasupladuhan ng young actor. Maraming katrabaho niya ang nakakapansin na ang kabaitan ng young actor ay depende sa kung ano ang mood niya.

Kuwento ng isang source, “Alam mo naman agad kapag wala siya sa mood, e. Tahimik siya, walang kibo talaga, wala siyang kinakausap, may sariling mundo lang siya.

“Kapag okey naman ang mood niya, pagdating pa lang niya sa set, e, nakangiti na siya, bumabati na sa production staff, ibig lang sabihin, e, maganda ang gising niya!

“Moody siya, at kapag hindi maganda ang mood niya, super-suplado ang young actor na ‘yun, sa totoo lang!” simulang chika ng aming source.

Kahit sa pag-iikot niya sa mga bar kasama ang kanyang mga katropa ay umiiral din ang kasupladuhan ng guwapong young actor. Kapag hindi maganda ang takbo ng kanyang utak ay hindi siya nakikipag-selfie kahit kanino.

Patuloy ng aming impormante, “Naku, wala siyang pinipiling place kapag wala siya sa mood. Kahit sa mga public places, ipinakikita niya ang ugali niyang maangas!

“One time, sa isang bar, e, may lumapit na bagets sa kanya. Nakikipag-selfie, siyempre, dahil sikat nga siya, di ba? Aba, ang young actor, binara ang nakikipag-selfie sa kanya!

“Ang sabi niya, ‘I worked the whole day, I’m so tired, this is my only private time.’ Nakakaloka siya, ha? Anong private time, e, nasa public place siya?

“Kung nasa loob siya ng house niya at saka may nang-abala sa kanya para makipag-selfie, ‘yun ang private time! Pero nasa bar siya, nakikipagnomo-nomo sa mga kaibigan niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, may kasupladuhan talaga ang mokong na ‘yun! Kung paano nasasabayan ng girlfriend niya ang mga tantrums niya, e, hindi rin namin alam!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pumili na lang kayo ng kulay sa color wheel, katunog ng name niya ang isang primary color du’n!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending