Loisa naiyak sa presscon; magulang naghiwalay na | Bandera

Loisa naiyak sa presscon; magulang naghiwalay na

- June 06, 2019 - 12:35 AM


MASAKIT ang pag-iyak ni Loisa Andalio sa nakaraang presscon ng bago niyang digital series sa iWant, ang Past, Present, Perfect? with Shaina Magdayao at Vin Abrenica.

Natanong kasi ang dalaga tungkol sa mga kontrobersyang kinasangkutan niya nitong mga nakalipas ng buwan at kung paano niya hinarap ang mga ito.

“Opo, kailangan po nating maging matapang,” ang maikling pahayag ng young actress.

At nu’ng muling tanungin kung gaano siya talaga ka-strong sa pagharap sa mga issue, hindi na nakasagot si Loisa at nagsimula nang umiyak. Iniba na lang ang tanong sa cast ng Past, Present, Perfect? habang pinakakalma ang dalaga at nagpapahid ng kanyang luha.

Bago ito, inamin ni Loisa na kakahiwalay lang ng kanyang parents at masakit para sa kanya ang nangyari. Pero aniya, tina-try niyang magpakatatag para sa kanyang pamilya.

“Bilang ako ‘yung breadwinner sa family, hindi ko pwede ipakita sa family ko na siyempre apektado ako, pero ‘yun talaga ‘yung nagpapa-strong sa akin ngayon,” aniya.

Sa iWant digi-series na Past Present Perfect? gaganap si Loisa bilang young Shaina kaya natanong siya kung ano ba ang wish niya makalipas ag 10 taon, “Ang gusto ko kapag 30 years old na ako, hindi na namin pinoproblema ‘yung pera ng family. ‘Yung hindi na namin iisipin ‘yung pambayad ng bills, ‘yung ganoon, sana 10 years from now, masayang family at good health sa family.”

Samantala, napapanood na ngayon for free via streaming ang kumpletong seven-episode ng romance drama series ng iWant na Past Present Perfect? sa direksyon ng award-winning scriptwrter and director na si Dwein Baltazar.

Siguradong mapapa-throwback at makaka-relate ang lahat sa kwento ng isang writer na nangarap, umibig, at nasaktan sa Past, Present, Perfect?.

Bilang isang high school student, taglay ni Shantal (Loisa) ang pambihirang talento sa pagsusulat.

Mapapansin ito ng kanyang high school professor na si Daniel (Vin Abrenica) na hihikayatin siyang kumuha ng creative writing sa kolehiyo.

Dahil sa hilig nilang magbasa, magiging close ang dalawa at mahuhulog ang loob ng dalaga sa kanyang guro. Gamit ang mga salita, lihim na ipapahayag ni Shantal ang pagtingin kay Daniel sa pamamagitan ng mga tula.

Ngunit mauuwi sa pagdurusa ang feelings ni Shantal nang tanggihan ito ni Daniel matapos niyang ipagtapat ang nararamdaman sa kanilang graduation ball.

Sa present day naman, hindi pa natutupad ni Shantal (Shaina) ang pangarap na magsulat ng mga tula at nobela. At para kumita ng pera, nagta-translate siya ng text books at nagsusulat ng subtitles para sa porn.

Dagdag-pahirap pa sa kanya ang nararanasan niyang writer’s block, kung kaya’t hindi siya makagawa ng karugtong na libro sa nauna niyang romance pocket book.

Mahanap pa kaya ni Shantal ang lakas ng loob at tiwala sa sarili upang matupad ang kanyang pangarap?

Paano siya matutulungan ng kanyang nakaraan para mabago niya ang kanyang buhay at kinabukasan?

In fairness, nag-trend ang paglabas ng Past, Present, Perfect? sa Twitter, at simula noon ay marami na ang pumuri sa cast at sinabing naka-relate sila sa kwento ng serye.

Ayon sa Twitter user na si @jkv1995, “Past, Present, Perfect? from iWant actually is freaking good. You should try and watch the series ‘cuz you’re totally missing out!!! P.S. If we can support foreign series, perhaps this one also.”

Sey naman ni @Lejdhir_Saega, “They say great directing is mostly great casting. I commend ‘Past Present Perfect’ for that. Great character development and great performances from the ensemble. And this is @iamAndalioLoisa’s best performance so far.”

Para naman kay @iambatshitcrazy, “Natuwa ako sa Past, Present, Perfect?. Galing ni Loisa, infer. And her squad din. Shaina, who I’ve never been a fan of, is surprisingly affecting. Maybe it’s the story but, I felt her. Watch it.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para makanood sa iWant, i-download na ang app sa iOS o Android o mag-register sa iwant.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending