outbrain

Kapuso young actor tinalakan ni Lolit Solis dahil kay Bong?

By Alex Brosas June 06,2019
share this

Kapuso young actor tinalakan ni Lolit Solis dahil kay Bong?

By Alex Brosas June 06,2019
share this


NALOKA  si Kristoffer Martin when he was approached by Lolit Solis at biglang pinagtatalakan.

May nakapagsabi raw kasi kay Lolit na isa si Kristoffer sa mga nam-bash kay Sen. Bong Revilla nang tumakbo ito sa midterm election. Nagkataong nagkita sina Lolit at Kristoffer kaya naman may confrontation na nangyari.

Ang malaking pagkakamali ni Lolit, wala naman palang post against Bong si Kristoffer. Sinabi nitong hindi siya nagpo-post about polititics and ni hindi nga siya bumoto nitong nakaraang election.

Kawawang Kristoffer. Napagsalitaan ng masakit ni Lolit gayong walan naman pala itong kasalanan, that is, kung kasalanan ngang matatawag ang pagsasalita against Bong.

Imagine, tinalakan ni Lolit si Kristoffer na wala namang kasalanan. Nakakahiya ‘yun, ha. Mabuti na lang at mabait si Kristoffer kaya hindi niya pinatulan ang panglalait sa kanya ni Aling Lolit.

Masyadong gullible itong si Lolit. Lahat ng bulung-bulong sa kanya ay kanyang pinaniniwalaan. Kaya dapat ito palaging sinosopla. Mahilig mamahiya tapos wala naman palang kasalanan ang sinosopla.

Any comment, Aling Lolit? Perhaps you have an acceptable explanation about this.

q q q

Kaaliw ang Gandang Gabi, Vice episode last Sunday.

Mistulang nag-workshop kasi ang PBB Otso teens na sina Mitch Wunder, Lance Carr, Emjay Savilla at dalawang iba pang housemates.

Aliw na aliw ang audience sa workshop on air na ipinagawa sa grupo nina Mitch. Pinaarte kasi sila ni Vice.

Gumanap bilang ina nila si Brenda Mage kaya naman aliw na aliw sa kanila ang live audience.

Pinagpanggap ni Vice na nagugutom sina Mitch at Lance at nanghingi sila ng juice at gatas mula sa ina nilang si Brenda Mage.

What followed were a serious of hilarious scenes lalo pa’t pinagsalita ni Vice sa wikang Bisaya sina Mitch at Lance. Tawang-tawa kami sa dalawang bagets sa eksenang nagbi-Bisaya sila and then bigla silang nag-e-English. Kaaliw ang dalawa.

Kasama rin sa episode ang Hashtags members na sina Wilbert and McCoy at Rayt na nagpakilig sa show sa pamamagitan ng kanilang sing and dance number.

Ang daming kinilig kina Lance at Mitch at marami ang nagsasabing silang dalawa ang may potential na sumikat nang husto sa latest batch ng Pinoy Big Brother.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending