IPINAG-UTOS ng Court of Appeals ang permanenteng diskwalipikasyon ni dating Makati Mayor Junjun Binay na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Sa desisyon noong Mayo 28, kinatigan ng CA ang kautusan ng Office of the Ombudsman noong 2017 kung saan ipinag-utos nito na hindi na maaaring makapwesto si Binay bunsod ng iregularidad sa pagtatayo ng P1.3 bilyong gusali ng Makati Science High School.
Napatunayan ng Ombudsman si Binay na “guilty of serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of age service.”
Sa reklamo na inihain noong 2014,sinabi ng abogadong si Renato Bondal na umabot ng P1.3 bilyon ang ginastos sa pagtatayo ng Makati Science High School kahit P470 milyon lamang ang halaga nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.