Pamilya Revilla sinubok ng tadhana pero pinagpala pa rin | Bandera

Pamilya Revilla sinubok ng tadhana pero pinagpala pa rin

Cristy Fermin - June 01, 2019 - 12:38 AM

PINAGPALANG pamilya. Ganu’n kung tawagin ngayon ang pamilya Revilla. Bakit nga naman sila hindi magiging bukod na pinagpala, samantalang silang lahat na magkakapamilyang tumakbo nu’ng nakaraang eleksiyon ay nagtagumpay, walang natalo sinuman sa kanila.

Senator Bong Revilla. Mayor Lani Mercado. Vice-Governor Jolo Revilla. Congressman Strike Revilla. Mayor Andrea Bautista Ynares.

Kapag nakatakda ay nakatakda na. Pero sa kanilang lahat ay ang laban ni Senador Bong ang talagang sumubok sa kanilang pagkakaisa bilang pamilya.

Si Senador Bong lang ang hanggang sa huling sandali ay kinakabahan pa rin sa kanyang numero bilang nagwaging senador. Hanggang hindi ipinahahayag ng COMELEC ang kanyang pagwawagi ay parang may bikig sa kanyang lalamunan.

Pero minsan pang pinatunayan ng aktor-pulitiko ang kanyang karisma sa publiko. Nadamay man siya sa isyung alam naman ng buong bayan na dinisensyo lang para sa kanila ng kanyang kaibigang si dating Senador Jinggoy Estrada para wasakin ang kanilang pangalan ay nagkaisa pa rin ang ating mga kababayan na iluklok muli sa puwesto si Senador Bong Revilla.

May resibo na kasi ang kanyang sinserong paglilingkod, tinatakan na ng ating mga kababayan ang kababaan ng kanyang kalooban, sumikat siya nang sikat na sikat at nagtagumpay sa mga inaasam niyang posisyon na hindi pinagbabago ng panahon ang kanyang ugali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending