BONGGANG-BONGGA ang aura ni Alden Richards sa re-opening ng negosyong resto and cafe located sa Tagaytay Road, Silang, Cavite nitong nagdaang Martes.
Bagong renovate kasi ang kanyang resto at ito na ang pinakamalaking branch na ipinatayo niya. Present ang family ng Pambansang Bae at ang business partner niyang si Gemma Sembrano.
At good news para sa mga nais ding magkaroon ng food business tulad ni Alden dahil magsisimula na rin ang franchising ng resto at sa branch sa Silang kukunin ang supplies kaya naman excited na ang Kapuso matinee idol.
After Alden, si Maine Mendoza naman ang magbubukas ng third branch ng kanyang global fast food chain sa June 1 na matatagpuan sa Poblacion, Bulacan.
Patunay lamang ito na hindi nagtatapos sa AlDub ang kanilang career tulad ng paandar ng ilang bashers.
Kapag talagang talented at marunong makisama ang isang artista, siguradong tatagal siya sa showbiz industry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.