Yassi naglinis, nag-repair ng iskul para sa Brigada Eskwela | Bandera

Yassi naglinis, nag-repair ng iskul para sa Brigada Eskwela

Bandera - May 28, 2019 - 01:00 AM

YASSI PRESSMAN

HUMANGA ang madlang pipol sa Kapamilya actress na si Yassi Pressman sa ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan.

Bilang bahagi pa rin ng kanyang ika-24 kaarawan, tumulong sa renovation ng isang eskwelahan sa Navotas noong Sabado ang dalaga kasama ang kanyang kapatid na si Issa Pressman.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Yassi ng mga litrato at video na kuha sa kanyang Brigada Eskwela project kasama ang kapatid at ilang kaibigan mula sa Save the Children Philippines.

Caption ng leading lady ni Coco Martin sa seryeng Ang Probinsyano sa kanyang IG post, “Still celebrating my birthday month with charities every weekend with my friends.

“Helping out by cleaning, repairing and donating to supply needs for the students of this school! Say Yass to Happiness everyday! Especially in MAY, we give back and give thanks to life and existence!”
Sa isa pang IG photo, nag-thank you naman si Yassi ang mga teacher at volunteers na naki-join sa makabuluhan niyang proyekto.

“Nakakapagod din palang yumuko‘t magliha ng mga upuan bago barnisan, at pagkatapos naman ay magpintura ng mga pader para mas maaliwalas sa mata ang kapaligiran ng mga bata, nakakapagod po, totoo.

“Pero masarap sa pakiramdam na alam mong pagpasok nila sa Lunes, nakangiti sila, dahil muka nang bago ulit ang pinapasukan nila. Sana po maging inspirasyon ito sa lahat ng mga studyente!

“Salamat din po sa lahat ng mga guro at volunteers na nagtulong-tulong po para sa araw na ito!” aniya pa.
Bukod dito, last week ay nagkaroon din siya ng dalawang charity events kasama ang mga batang biktima ng sunog sa Quezon City, pati ang mga batang may malubhang sakit.

Nakipagtulungan siya sa Make-A-Wish Foundation Philippines para maisakatuparan ang kanyang project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending