'Ano kaya ang sasabihin ni Nina ngayon sa ex-dyowang si Jimmy?' | Bandera

‘Ano kaya ang sasabihin ni Nina ngayon sa ex-dyowang si Jimmy?’

Cristy Fermin |May 27,2019
facebook
share this

‘Ano kaya ang sasabihin ni Nina ngayon sa ex-dyowang si Jimmy?’

Cristy Fermin - May 27, 2019 - 12:10 AM


HALOS magkakasabay sina Jimmy Bondoc, Nyoy Volante at Paolo Santos sa mundo ng musika. Unang naging karelasyon ni Nina si Jimmy, sumunod si Nyoy, kaya lagi silang pinagkukumpara.

Tahimik lang si Paolo Santos. Si Nyoy naman ay biniyayaan ng magandang PR at mapagkumbaba ang singer. Maraming staff ng produksiyon ang nababaitan sa magaling na musikerong si Nyoy.

May kani-kanyang kuwento silang dalawa nu’ng makarelasyon nila si Nina. Nu’ng karelasyon pa ni Jimmy ang female singer ay bumili sila ng lupa sa Boracay.

Nu’ng mag-break na sila ay ibinenta ni Nina ang lote sa Boracay, nakarating siyempre kay Jimmy ang impormasyon, kaya hinahabol niya ang kanyang parte sa ibinentang lote.

Sabi ng aming source, “Naku, napakahigpit maningil ni Jimmy! Halos araw-araw niyang sinisingil si Nina! Katwiran niya, e, may pera siyang involved sa pagbili ng lote, kaya kailangan niyang makuha ‘yun!” sabi ng aming source.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila, hindi pabor ang pamilya ng dalaga kay Jimmy, may kaangasan daw kasi at masyadong maporma.

Ngayong paboritong upakan si Jimmy Bondoc sa social media, ngayong kaliwa’t kanan ang bira sa kanya ng mga empleyado at artista ng ABS-CBN, ano kaya ang naiisip ni Nina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending