Alden balik-Eat Bulaga na; block screening para sa KathDen movie parami nang parami | Bandera

Alden balik-Eat Bulaga na; block screening para sa KathDen movie parami nang parami

Jun Nardo |May 23,2019
facebook
share this

Alden balik-Eat Bulaga na; block screening para sa KathDen movie parami nang parami

Jun Nardo - May 23, 2019 - 12:25 AM


SABIK na sabik na kay Alden Richards ang kanyang mga fans at wish nilang mapanood na uli ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga.

Nagpa-hashtag na nga sila ng #ALDENWerNaU dahil kung hindi kami nagkakamali eh, isang buwan nang hindi nasisilayan ng publiko ang Kapuso heartthrob lalo na ang kanyang new looks, huh!

Pero sa isang tweet ng @EatBulaga, may inilabas silang video ni Alden na nakasaad ang, “Balik regular programming na tayo.”

Kaya naman nagbunyi ang fans niyang hoping-hopia sa pagbabalik niya sa EB kahapon. Tapos na rin kasi ang shooting ng movie nila ni Kathryn Bernado, ang “Hello, Love, Goodbye” kung saan ilang linggo ring namalagi ang dalawa sa Hong Kong. Doon kasi kinunan ang kabuuan ng pelikula.

Wala pa mang inilalabas na playdate, aba, may mga natanggap kaming report na umabot na raw sa 40 block screenings ang naka-schedule para sa KathDen movie, huh! To think na hindi naman talaga loveteam movie ang “HLG”!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending