Wala nang libre ngayon! | Bandera

Wala nang libre ngayon!

Susan K - May 22, 2019 - 12:15 AM

SINUMANG nagnanais magtrabaho sa abroad ay handang gumasta para sa mga dokumentong kakailanganin nila, pati na ang pambayad para sa kanilang placement fee sa mga lisensiyadong ahensya na kanilang pinag-aaplayan.
Kaya mas nakakatakot kung may mag-aalok na libre lahat at walang gagastusin ang isang aplikante.
Sila ang madalas na biktima ng human trafficking. Ito ang iligal na pagpupuslit ng mga tao, lalo pa ng mga kababaihan at kabataan at puwersahang pagtatrabahuhin sila ng labag sa kanilang mga kalooban at kadalasan ay humahantong sa mga ilegal na gawain tulad ng prostitusyon at pagtutulak ng droga.
Bakit nga ba hindi ito nahihinto? Bakit nagpapatuloy ang ganitong operasyon at marami pa rin ang nabibiktima nila?
Ang human trafficking ay isang organisadong krimen ng mga sindikato kung kaya mahirap silang buwagin, ito rin ang dahilan kung bakit nagtatagumpay sila sa kanilang ilegal na mga gawain.
Marami silang pera at handang gumastos para sa kanilang biktima dahil sa bandang huli, alam nilang sila pa rin ang panalo at pinagkakitaan lamang ang mismong buhay ng mga inosente nating mga kababayan.
Kaya ang tanging susi upang hindi mabiktima nito, na palaging pakatandaan na kung libre at walang gagastusin ang isang aplikante, mas nakakatakot ito.
Dapat silang maalarma at agad isipin kung ano ba ang magiging kapalit ng mga libreng alok na iyon, at kung makakaalis nga sila patungo sa ibayong dagat, tiyak na mismong buhay naman pala nila ang kanilang isinusugal at sa handang huli, maaaring kapahamakan pa nga ang dulo ng lahat ng pagpupunyaging iyon.
Wala na kasing libre ngayon! Palaging may kapalit ang bawat bagay lalo na sa mga panahong ito.

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending