Mariel dedma sa ‘kandong photo’ ni Robin: Ang babaw naman nu’n! | Bandera

Mariel dedma sa ‘kandong photo’ ni Robin: Ang babaw naman nu’n!

Bandera |May 22,2019
facebook
share this

Mariel dedma sa ‘kandong photo’ ni Robin: Ang babaw naman nu’n!

Bandera - May 22, 2019 - 12:15 AM

ROBIN PADILLA AT MARIEL RODRIGUEZ

NAG-REACT na si Mariel Rodriguez tungkol sa mga kumalat na litrato ni Robin Padilla kung saan may nakakandong at nakadikit sa kanya na dalawang babae.

Sa unang photo, makikitang nakaupo sa isang sofa si Binoe habang nakakandong at nakahilig sa kanyang mga braso ang babae na kuha sa isang event.

Isa pang girl ang nakaangkla sa braso ni Robin with matching peace sign habang lahat sila ay nakatingin sa camera for a photo op.

Sa caption ng isang girl sa litrato nila, tinawag nitong “love” at “bebe love” ang asawa ni Mariel.

Unang kumalat sa social media ang mga litrato ni Robin kasama ang mga babae bago ang May 13, 2019 midterm elections. Ang paniwala ng mga netizens, kuha ang mga nasabing eksena nang mag-ikot sa isang lugar para sa kampanya ng ilang kandidato na sinusuportahan ni President Rodrigo Duterte.

Isang netizen ang nagsabi nagkomento sa social media na ipinadala na niya kay Mariel ang nasabing mga picture through direct messaging sa Instagram.

Nitong nakaraang Lunes, nag-post si Mariel sa kanyang Instagram account ng sweet message para kay Robin. Pinuri nito ang asawa dahil sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya.

Isang IG follower ng TV host ang nag-comment at nagtanong kung ano ang reaksyon ni Mariel sa kumalat na litrato ni Robin na may kandong na babae.

“What happened to the photos with the girls on his lap? Okey lang sa iyo?” ang tanong ng netizen kay Mariel. Agad naman siyang simagot ni Mariel ng, “@star01100110 ang babaw nun. Our marriage is so much stronger than that.”

Samantala, pinusuan ng maraming netizens ang latest post ni Mariel sa IG kung saan pinuri niya ang pagiging mabuting asawa at ama ni Binoe. Talaga raw grabe ag pag-aalaga sa kanya ng aktor,
makikita sa IG photo ni Mariel si Binoe habang bino-blowdry ang kanyang buhok dahil katatapos lang niyang maligo.

“I never sleep with products on my hair… so i showered and was about to sleep. He doesn’t like that… me sleeping with wet hair so he dried it for me. He is sweet like that.

“Even when i go to work he asks me if i have a towel on my back (everyday yun ah) so my shirt doesn’t get wet and I don’t get sick. He is caring like that.

“On random days he sends me food while i am at work. He is thoughtful like that. When he saw that i would bring the whole barangay when Isabella and i would travel he bought her a new van. He is generous like that.

“If I don’t say it enough… i want to say it out here how much we appreciate you and all that you do for us,” mahabang caption ni Mariel.

Dugtong pa niya, “The truth is i am blessed because i know you will support us but you allow me to work because you know it’s part of me being me so you allow me to be me.

“Most of the time i am so busy with Isabella that i barely have any time for us. I miss us too.

“I want to congratulate you for the hard work you did during the last few months and you did it honorably.

“We are so proud of that… we are so proud of you! To my King (crown emoji) i love you @robinhoodpadilla (kiss emoji),” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, pinatunayan lang ni Mariel na may tiwala pa rin siya sa kanyang asawa at hindi basta-basta nagpapaapekto sa mga issue at chika. Ang mahalaga, ramdam na ramdam pa rin niya ang pagmamahal ni Binoe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending