Mocha pinagtatawanan ng madlang pipol; nauna kasi ang yabang kaya luhaan na, nganga pa
Hindi rin naman pala guarantee mananalo ang isang politiko kahit na may sikat o kilalang celebrity na nag-endorse sa kanya.
Toni and Alex Gonzaga endorsed their father in the last election but sadly hindi ito naluklok sa puwesto.
Si Daniel Padilla, isama pa si Karla Estrada, wala ring powers dahil hindi naman nagwagi ang father ni Daniel who sought congressional post sa first district of Nueva Ecija.
Si Mocha Something na tumakbo sa ilalim ng isang partylist ay luhaan din. Pinagtatawanan nga siya dahil ang yabang-yabang niya kasi may more than five million followers siya sa Facebook pero walang nagawa iyon dahil ni hindi man lang umabot sa 200,000 ang kanyang boto. So, nasaan na ang mga supporters niya?
Hindi rin gumana ang pagiging Megastar ni Sharon Cuneta for her bother Chet who lost the mayoral race sa Pasay.
Si Richard Yap who played Papa Chen sa isang serye also lost in his first political bid sa Cebu.
Si Jeremy Marquez at “Lotlot de Leon” din sa Parañaque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.