Sharon susunod nang tatakbo sa Pasay matapos matalo si utol
CLOSE to 95,000 ang botong inilamang ng pinakamahigpit na kalaban ng kuya ni Sharon Cuneta sa pagka-mayor sa amin sa Pasay City. Chet Cuneta was beaten by mayor-elect Emi Calixto-Rubiano, na outgoing Congresswoman.
Hindi nga umubra ang pag-e-emote ni Sharon which she had videotaped shortly after Chet and his party’s miting de avance. Sa nasabing video, inamin ni Sharon that she was upset, angry even, dahil bumaklas kay Chet ang running mate nito na aniya’y nabili raw ng kalaban.
Kinailangan naming i-validate ang paratang ni Sharon, only to be told that there was no money involved in the withdrawal of her brother’s running mate.
Inetsapuwera raw ni Chet ang taong ‘yon, deliberately not keeping the latter informed tungkol sa mga strategic plans ng partido on the suspicion na nag-switch ito ng loyalty.
Anyway, game over na. Ang minimithing pangarap ni Chet na susundan niya ang yapak ng kanyang ama who had served as Pasay City mayor for the longest time ay nasilat like a burst bubble.
Wala ngang nagawa ang pagsusumamo ni Sharon na pagbigyan naman daw ang kanyang Kuya Chet na makapagsilbi kahit isang termino lang.
One term only? Sounds familiar. Narinig na namin ‘yan mula sa bibig ng talunan ding mayoral candidate sa Maynila na si Erap Estrada, who had better spend the rest of his life enjoying what’s left.
Gasgas na ang linyang binitawan ni Chet, plus the fact na aminado naman talaga itong inexperienced sa larangan ng local politics.
Ang yawning gap o agwat ng boto ni Chet sa nanalong mayor, the first woman mayor in the history of Pasay, ay mahirap nang iapela on the grounds of pandaraya.
Truth be told, Chet wasn’t a formidable opponent, sana kung neck-and-neck ang naging labanan. Maaga pa lang, the residents knew who’d win and who’d later throw in the towel.
“Saka masyadong kumpiyansa si Chet who was backed up by the President. Hayun, hayahay lang siya for the most part of the campaign period,” sey ng maraming taga-Pasay. And internally pala, Chet didn’t take good care of her allies na isa-isang nangawala.
But as we’ve written, this could yet be a prelude to the biggest plan of the Cunetas, either Chet or Sharon, in 2022.
Kumbaga, kinalampag lang nila ang kamalayan ng mga Pasayeño that the Cunetas still exist in the realm of local politics.
For all we, the Pasayenos, know, mismong ang Megastar na ang tatakbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.