Madaldal na young actress takaw na takaw sa interbyu, buking ang pagiging material girl | Bandera

Madaldal na young actress takaw na takaw sa interbyu, buking ang pagiging material girl

Cristy Fermin |May 13,2019
facebook
share this

Madaldal na young actress takaw na takaw sa interbyu, buking ang pagiging material girl

Cristy Fermin - May 13, 2019 - 12:15 AM

HAYAN, dahil sa kadaldalan ng isang magandang young actress, ang dami-dami tuloy mga kuwentong hindi kagandahan na naglulutangan tungkol sa kanya.

Pinaglalaruan tuloy ngayon ang young actress, lalo na ang mga kuwento niya nu’n tungkol sa ex niyang young actor, wala raw consistency ang maganda pa namang dalaga.

kuwento ng isang source, “Nakakaloka rin naman kasi ang babaeng ‘yun, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi! Puwede naman siyang umiwas sa tanong, pero sagot siya nang sagot!

“Para siyang takaw na takaw sa mga interview, type na type niya na pinagtatatanong siya tungkol sa personal life niya, sige lang siya sa kakukuda!

“Ayan tuloy, ano ang nangyayari sa kanya? Pinagpipistahan tuloy siya ngayon! Pinagtatawanan siya ng kampo ng ex niya, lalo na nu’ng ikino-compare na niya ang young actor na lalaking pinagtitripan niyang siraan ngayon!” napapailing na chika ng aming source.

Napansin ng marami na may pagkamateryosa ang young actress. Hinalukay niya kasi sa baul ng kanyang alaala kung gaano ka-generous ang ex niyang young actor.

“Tama bang ikuwento pa niya ‘yun, e, sinira-si-raan na nga niya ‘yung tao? Okey, granting na generous nga ‘yung ex niya, kailangan pa ba niyang maliitin ang male personality na katatapos lang niyang nakarelasyon?

“Di ba? Kitang-kita tuloy na may pagkabilmoko pala ang babaeng ‘yun! Naku, kapag hindi niya tinantanan ang mga ganyang tanong sa kanya, e, lalo siyang malalagay sa alanganin!

“Sarado na ang libro ng relasyon nila nu’ng young actor, masarap nga ang pakiramdam ng mga close sa male personality, kasi, tapos na sila!

“Pero heto, balik na naman siya nang balik sa mga memories nila nu’ng young actor para lang saktan ang male personality na nangloko lang daw sa kanya!

“Sayang, gumaganda pa naman ang career niya ngayon, ang ganda pa niya, para siyang doll!” pagtatapos na chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walk in the park lang ang pitik-bulag natin, di ba? Napakadaling hulaan kung sino ang mukhang doll na babaeng itey!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending