Yeng Constantino bilang Darna: Tapos na po ang paghahanap… ako na po!
NAG-AUDITION nga ba si Yeng Constantino para sa bagong movie version ng “Darna”?
Yan ang tanong ng mga netizens matapos kumalat ang edited Darna photo ng Kapamilya singer-actress sa social media.
Naunang ipinost ni Yeng ang nasabing litrato sa kanyang Instagram account na may caption na, “Tapos na po ang paghahanap! Ako na nga po! Goodmorning.”
Kung hindi kami nagkakamali, ang ginamit na litrato sa in-edit na photo ay ang katawan ni Angel Locsin na naka-Darna costume at ipinatong ang ulo ni Yeng. In fairness, marami ang naaliw sa nasabing IG post ng singer.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa pagda-Darna ni Yeng.
Sey ni @jeca_cajurao, “Wow! Na-miss kita ate @yeng sana ikaw na lg maging Darna… mag audition ka po ate bagay sau! Tapos ikaw din kakanta ng theme song!”
Comment naman ni @anamaesevillena, “Ai wow ang ganda. bagay. bat di naiisip ng madami na pwedi pala c ate Yeng ang gumanap na darna?!”
Sabi naman ni @itsme_anthonymedina, “Wow bagay din pala sayo maging darna iDOL!”
“Bagay SAYO ate yeng sana ikaw nalang ang darna!” chika naman ni @jennysaquin.
Ipinost naman ni @khhaaayyyy ang lyrics ng kanta ni Yeng,
“Ako si darna, ako ang dyosa ako ang talang nagniningning sa kalangitan. Ako si wonderwoman ako ang superstar akin ang sandali ako ang reyna ng gabi!”
Wala pang announcement ang Star Cinema at ABS-CBN kung may napili na silang bagong bibida sa “Darna” matapos mag-back out si Liza Soberano dahil sa problema sa kanyang daliri.
Nagsagawa ng casting call ang Star Cinema para sa mga interesado sa role. Bago si Liza, nauna nang nag-withdraw si Angel Locsin sa nasabing proyekto pati na ang direktor nitong si Erik Matti na pinalitan naman ni Jerrold Tarog.
Ilan sa mga celebrities na balitang nasa shortlist bilang susunod na Darna ay sina Nadine Lustre, Maja Salvador at Pia Wurtzbach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.