Ex-PBB Otso housemate Seth jackpot agad; may movie na, may Kadenang Ginto pa | Bandera

Ex-PBB Otso housemate Seth jackpot agad; may movie na, may Kadenang Ginto pa

Dominic Rea - May 11, 2019 - 03:59 PM

MAKING waves na ngayon sa showbizlandia ang newcomer young actor na si Seth Fedelin na produkto ng PBB Otso.

Baguhan man sa mundong ginagalawan ngayon ay naging diretsahan si Seth sa pagsasabing he’s enjoying the ride of his journey sa showbiz after PBB.

“Heto po! Sobrang bilis po ng mga pangyayari. Sobrang blessed lang po,” tugon niya sa akin nang makausap ko recently.

Ano ang una niyang ginawa paglabas sa Bahay ni Kuya? “Unang ginawa ko po nagpabili lang ako ng pagkain kay Mama kasi nu’ng time na yun ay hindi pa po kami allowed maglalabas. Tapos nu’ng puwede na kami lumabas, ayun, umuwi po ako ng bahay namin.”

Pinag-uusapan ngayon ang biglaang pagpasok ng kanyang karakter sa Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto, “Oo nga po, eh. Masayang-masaya po ako. Bale, isang makulit, astig na street kid po ako sa Kadenang Ginto. Isang mahirap lang. Ibang klase po ang role ko. Challenging po siya.”

Since baguhan siya, hindi pa ba siya natalakan sa set ng Kadenang Ginto knowing na parehong magagaling na direktor sina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin?

“Ay! Wala pa naman po. Pero minsan kapag nagti-take po kami, nasasabihan po ako. Nagpapayo po sila. Pero alam ko naman na para sa ikabubuti ko po ang sinasabi nila. Siyempre po, bago pa lang ako.

“Like, sasabihin po nina Direk, ‘O, Seth, dagdag ka pa ng energy mo,’ mga ganoon lang naman po. Masaya po silang katrabaho at masaya po akong nakatrabaho ko po sila. ” aniya pa sa amin.

Walang ibang pangarap ngayon ang papasikat nang bagets ng Cavite kundi ang magtrabaho at abutin ang pangarap niya sa buhay. Five shooting days na lang ay matatapos na ang pelikulang “Abandoned” kung saan gaganap siyang anak ng Kadenang Ginto lead star na si Beauty Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending