Aiko sa kalaban ni Jay: Pasensiya na pero kailangang magbayad siya sa ginawa niya | Bandera

Aiko sa kalaban ni Jay: Pasensiya na pero kailangang magbayad siya sa ginawa niya

Bandera - May 10, 2019 - 01:25 AM

AIKO MELENDEZ AT JAY KHONGHUN

MARAMING humanga sa katapangan ni Aiko Melendez matapos nitong kasuhan ang kalaban ng kanyang boyfriend na si Jay Khonghun sa pagka-vice governor ng Zambales.

Personal na nagsampa ng libel case ang aktres sa Office of the Prosecutor ng Olongapo City last Tuesday laban kay Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng. Kasama ni Aiko si Subic Mayor Jay at ang legal counsel nitong si Carlo Bonifacio Alentajan.

“I want her to pay for what she did. Hindi ko siya mapapatawad sa ngayon. Pasensiya na, tao lang din ako. Pero at this point in time, hindi ko kaya.

“Magiging plastic lang ako kung sasabihin ko na, I’m a Christian, magpapatawad ako. No, she has to pay for what she did,” mariing sabi ni Aiko na inakusahan ng mga kalaban ni Jay na involved umano sa ilegal na droga na buong-tapang na kinontra ng aktres.

Araw na lang ang binibilang bago ang mid-term elections ngayong Monday, May 13 kaya inaasahan nina Aiko at Jay na mas titindi pa ang siraan sa kampanya.

Sa katunayan, ikinadismaya rin ng magdyowa ang pagtatanggal ng kanilang mga campaign posters sa iba’t ibag lugar sa Zambales kaya binalaan nila ang mga nasa likod nito na kinukuha na nila ang mga CCTV para mai-report ito sa pulisya.

Pagkatapos magsampa ng kaso, sinabi ni Aiko at ni Jay na ipagdarasal din nila ang mga kalaban at ang mga taga-Zambales para sa isang malinis at maayos na eleksyon sa Lunes.

Sabi ni Mayor Jay, “Ang mahalaga sa amin ngayon ay ang mga maiinit na pagyakap sa amin ng mga Zambaleños sa bawat barangay at sityong aming pinupuntahan. ‘Yun ang mahalaga sa amin ngayon ni daddy, si Congressman Jeff Khonghun, kasi alam naman ng mga tao ang aming serbisyo sa kanila.”

Nasa final leg na sila ngayon nang kanilang campaign trail at sinusuyod na ng magkarelasyon sa pagsuong nila sa matinding kampanya. Pahaging pa ni Aiko, “When you work too hard, it kills them with so much envy. So, we keep working and working.”

Ibinalita rin ni Aiko na sa mga isinagawang independent surveys sa Zambales ay nangunguna pa rin ang Team Ebdane-Khonghun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending