Celebs sumugod sa Malacañang; Robin naiyak sa hugot ni Honeylet
NAPUNO ng celebrities ang Malacañang Palace nitong nakaraang Martes ng gabi para sa private dinner na in-organize ng common-law wife ni President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.
Inimbita nila ang lahat ng mga artistang patuloy na sumusuporta kay Digong mula pa noong 2016 presidential elections.
Dumating sa event sina Richard Gomez, Robin Padilla and wife Mariel Padilla, Ai Ai delas Alas, Aiko Melendez, Vhong Navarro, Ruffa Gutierrez, Alex Gonzaga, former National Youth Commission Chairman Ice Seguerra and wife Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino, Jed Madela, Arnell Ignacio at John Lloyd Cruz.
Sa litratong ipinost ni Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar makikitang magkasama sila ni Lloydie na may caption na, “Ang muling pagtatagpo namin ni JL kagabi. #mediaman.”
Nag-post naman si Robin sa Instagram ng photo kung saan makikitang magkasama sila ni Mariel at iba pang artistang nasa dinner with President Duterte. Sa kanyang mahabang caption pinuri niya si Honeylet dahil hindi pa rin ito nagbabago hanggang ngayon. Narito ang ilang bahagi ng IG message ni Binoe.
“Isang napakalaking kaligayahan ng industriya ng Pelikulang Pilipino ang gabing ito. Mabuhay po kayo Mayor PRRD at mam HONEYLET isang malalim na pasasalamat sa inyo dahil nagkaron ng ganitong pagtitipon ng pasasalamat at pag alay ng kamay ng pakikiisa para sa mga celebrity maging sa showbiz man o sports lalo sa mga tumulong kay mayor nong 2016.
“Walang pinagbago sa ugali si mam honeylet siya pa rin ang tunay na tao na nakilala ko noong 2015 wala siyang kahit maliit na bahid ng pulitika o pagkashowbiz.
“Napaluha ako sa napakaganda niyang talumpati para ipakilala si mayor PRRD sa lahat ng mga bisita bago man o kaibigan na. Tumagos sa puso ang bawat salitang binitiwan ni mam honeylet para kay mayor PRRD.
“Ang industriya ng Pelikulang Pilipino ay hindi makakalimot sa kahalagahan na inyong inalay. Mabuhay ang rebolosyon ng pagbabago! Mabuhay ang adhikaing para sa Dios! Inangbayan at kapwa tao! @elgab18.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.