Tony hinusgahan dahil sa pagnanakaw noon: Walang perfect, so stop acting like it!
GRABENG kanegahan ang inabot ni Tony Labrusca mula sa mga netizens matapos umamin na ilang beses siyang nagnakaw sa mga clothing shop at convenience store noong kabataan niya sa Canada.
Sa “Legit or Lie” segment ng Tonight With Boy Abunda, ikinuwento ng isa sa mga bida ng seryeng Sino Ang May Sala: Mea Culpa kung paano siya nakakakuha ng mga bagong damit noon.
“Dati kung kailangan ko ng damit magnanakaw din ako sa store. Kung kailangan ko ng pagkain… lahat ng feeling kong puwede kong nakawin ninanakaw ko.
“I don’t want to encou-rage you guys to do this because it’s wrong but at that point in my life I felt my pa-rents couldn’t give me enough for me to survive through the week. I thought that the only way I’m going to eat today is if I steal,” paliwanag niya.
Dahil dito maraming humanga sa pagpapakatotoo ng hunk actor pero may mga na-turn off din at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa binata. Hindi raw siya magandang impluwensiya sa mga kabataan.
Narito naman ang resbak ng kontrobersyal na aktor, “Some of you guys are so quick to judge. I shared my flaws on TWBA because I’m sharing my HUMANITY with you. It’s human to make mistakes and those mistakes teach you very valuable lessons. TRUST me I’ve experienced that first hand.”
“I admitted to (Tito Boy) that I used to steal FOOD and CLOTHES I could not AFFORD. I never said it was right nor am I proud of it,” dagdag pa niya.
Nangako rin siya na babalikan niya ang mga lugar na pinagnakawan niya para magbayad, “I did make light of the situation and if you were there you would know. I PROMISED tito I would pay back the places I took from because I can now afford them.”
“NO ONE is perfect. So stop acting like it. We all make mistakes. Your mistakes aren’t what define you as a person, it’s the effort you put into changing for the better every day,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.