Vice laging mukhang fresh; Ion magaling mag-alaga | Bandera

Vice laging mukhang fresh; Ion magaling mag-alaga

Ambet Nabus |May 05,2019
facebook
share this

Vice laging mukhang fresh; Ion magaling mag-alaga

Ambet Nabus - May 05, 2019 - 12:55 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

WELL, dahil sa sunod-sunod na tweet ni Vice Ganda patungkol sa isang taong mahalaga sa buhay niya, marami ang naniniwala na si Ion Perez nga ang taong kanyang pinatutungkulan.

Habang nasa USA kasi ang tropa nina Vice para sa ilang shows doon kung saan personal niyang isinama sa lineup si Ion, kapansin-pansin ang tila pagbabahagi ng komedyante ng kanyang walang katumbas na happiness.

Sa magkakasunod niyang mensahe sa Twitter, sinasabi nitong mas mabuti na nga raw ‘yung makasama mo ang taong nagbibigay ng kaligayahan sa iyo, kesa malungkot ka sa walang wawang mga bagay.

Sa mga nakita naming mga photo nina Vice at Ion sa social media na kuha sa Amerika, mukhang sila na nga at agree kami sa komento ng mga netizens na awra ng taong in love at super happy ang nakikita namin sa Unkabogable Star.

Hmmm, basta ang tsika ng mga kaibigan na nakakasama ni Vice Ganda sa kanyang mga ganap at rampa, inspirado at lagi siyang mukhang fresh unlike before. Ha-hahahaha! Alam na this! Magaling sigurong mag-alaga si Kuya Escort.

Ito pa ang latest. Naipakilala na rin ni Ion si Vice sa kapatid nitong babae na si Natalia nang magkita-kita sila sa Hollywood, California. Mismong si Natalia ang nag-post ng mga litrato nila sa Facebook, kung saan kasama rin nila ang mister nitong si Frank Chen.

Nakakaintriga ang caption ni Natalia sa kanilang phot: “Summer is Lab lab (heart, smiley emojis).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending