Ivana Alawi pang-boldstar; dyowa ngayon ni Dan Fernandez | Bandera

Ivana Alawi pang-boldstar; dyowa ngayon ni Dan Fernandez

Cristy Fermin - May 03, 2019 - 12:50 AM

IVANA ALAWI

Pang-boldstar ang pangalang Ivana Alawi. Ganu’n ang tunog ng pangalan ng mga babaeng nagsasayaw sa mga bar habang ipinakikilala ng host.

“Ladies and gentlemen, on stage tonight, please welcome the sexy goddess, Ivana Alawi!” parang ganu’n ang senaryo.

Una namin siyang napansin sa Ang Probinsyano bilang user na karelasyon ng minerong si Eddie Garcia.

Sa kanyang mga tingin pa lang ay lantad na lantad na ang mga ginto sa taguan ng magaling na beteranong aktor nakatutok ang kanyang utak.

Mahaba-haba rin ang kanyang exposure sa serye, hanggang sa nakawin niya na ang mga ginto at diyamante sa caha de yero, du’n na natuldukan ang kanyang partisipasyon.

Pinatakas siya ng aktor, pero nu’ng malayu-layo na ang kanyang sasakyan ay pinasabog ‘yun ng niloko niyang matanda, tapos ang role ni Ivana Alawi sa palabas!

Pero pagkatapos nu’n ay isinama na rin siya ng ABS-CBN sa mga programang panghapon, hanggang sa heto, isa na siya sa mga gumaganap na karakter sa Mea Culpa.

In fairness, nakaaarte si Ivana Alawi, bukod pa sa sexy siya at maganda, nakasasabay siya sa kanyang mga kaeksena.

Siya ang balitang karelasyon ngayon ni Mayor Dan Fernandez, madalas silang nakikitang magkasama, at kung kilala nga namin ang mabait na aktor-pulitiko ay naniniwala kaming sila nga ni Ivana Alawi.
Ladies and gentlemen….!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending