GOOD afternoon po, magtatanong lng po ako about sa PhilHealth ko,year 2012 ko pa po unang nahulugan then next month po sana gusto ko nangg ituloy. Ano po ba dapat kong gawin?
Thank you po, Judith Bonostro
REPLY: G./Bb.,
Pagbati mula sa PhilHealth!
Ito po ay bilang pagtugon sa inyong mensahe.
Nais po naming ipabatid na upang makapag-avail ng benepisyo mula sa PhilHealth ay kakailanga-ning makapag-update ng inyong kontribusyon lalo na kung ito ay matagal na hindi nahuhulugan. Maaari ninyong hulugan ang kasalukuyang quarter ng taon (Apr-Jun2019) hanggang sa huling araw ng pagtatrabaho ng June 2019. Maaari rin po kayong mag-update ng inyong rekord kung mayroong pagbabago sa inyong mga impormas-yon. Magdala lamang ng kopya ng mga dokumento, dalawang (2) valid IDs para sa beripikasyon at mag-fill-up ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) para sa updating.
Narito po ang mga sumusunod na kontribus-yon para sa mga miyembro sa ilalim ng Informal Eco-nomy (Individually Paying Members):
Informal Economy Members na may buwanang kita ng hanggang P25,000.00
P2,400.00 bawat taon (huling araw ng pagtatrabaho ng unang quarter ng babayarang taon)
P1,200.00 semi annual (huling araw ng pagtatrabaho ng unang quarter ng babayarang semester)
P600.00 kada quarter (huling araw ng pagtatrabaho ng babayarang quarter)
P200.00 kada buwan (huling araw ng pagtatrabaho ng babayarang buwan)
Informal Economy Members na may buwanang kita ng higit sa P25,000.00
P3,600.00 bawat taon (huling araw ng pagtatrabaho ng unang quarter ng babayarang taon)
P1,800.00 semi annual (huling araw ng pagtatrabaho ng unang quarter ng babayarang semester)
P900.00 kada quarter (huling araw ng pagtatrabaho ng babayarang quarter)
P300.00 kada buwan (huling araw ng pagtatrabaho ng babayarang buwan)
*Maaari pong mabayaran ang monthly na premium contributions sa mga PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) lamang.
Nais po naming ipaalala na maaari po kayong magbayad ng inyong premium contributions sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) o sa mga Accredi-ted Collecting Agents (ACAs). Para sa kumpletong listahan ng ACAs, pakisundan ang link: https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/
Para sa iba pang katanungan, mag-email lamang po muli o tumawag sa aming call center hotline (02)441-7442.
Maaari rin pong bumisita sa aming website, www.philhealth.gov.ph
Philippine Health Insurance Corporation
www.philhealth.gov.ph
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest deve-lopments pertaining to your social health insu-rance coverage.
Maraming salamat po
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
fms
1549439075296
Accredited Collecting Agents: Collecting Partners | PhilHealth
The PhilHealth Logo, Photographs and information on this Web Site may not be reproduced, copied, or downloaded in any form or by any means — graphic, electronic, or mechanical, including recording, taping, photocopying, or information storage and retrieval systems — for use in illegal, damaging or…philhealth.gov.ph
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.