Mahirap nang makapagpalusot ngayon! | Bandera

Mahirap nang makapagpalusot ngayon!

Susan K - May 03, 2019 - 12:15 AM

HINDI pa rin humihinto ang lumang style ng Pinoy. Kung makakalusot, magpapalusot pa rin!

May mga sumusubok pa rin kasi tayong mga kababayan na gumagamit ng fake na mga Overseas Employment Certificates o OEC patungong Dubai.

Kaya naman mabilis na nakuha ang reaksyon ni Labor Attache’ Felicitas Bay ng Dubai na mahihirapan na ngang makalusot ang gumagamit ng mga fake OECs ngayon dahil may mga control number na ang mga dokumentong katulad ng clearances at OEC at madali iyong maberipika sa POEA kung magtutugma ang numerong na isyu sa pangalan nang nagtataglay ng naturang numero na tangan-tangan ng pasahero.

At kung hindi pareho ang numero o pangalan doon, tiyak na fake ang naturang dokumento.

Totoo namang patuloy pa ring ginagawa ito ng mga fixer upang kumita lamang kapalit ng mga fake na OEC at maging kontrata pa nga.

Sabi pa ni Bay, palibhasa’y computerized na lahat ngayon kung kaya’t mabilis na nilang nalalaman kung lehitimo o hindi ang kanilang mga dokumento.

Dagdag pa niya, kapag galing sa isang tao lamang ang mga dokumentong iyon, napakalaki ng posibilidad na fake ‘anya ang mga iyon.

Kaya patuloy pa ring nagbibigay ng babala ang pamahalaan na huwag na huwag papatol sa alok ng mga fixer at ilegal recruiter na sila na ang bahalang mag-aayos ng kanilang mga dokumento. Tiyak na ipapahamak lamang ‘anya sila ng mga iyon.

Matuto na sana ang ating mga kababayan na huwag nang magpapaloko sa mga ito. Kung dati-rati nakakalusot sila, ngayon hindi na! Dahil sa makabagong teknolohiya, pinabilis na nito ang proseso ng pagche-check ng mga dokumento.

May tama kasing proseso ang pangingibang bayan. Hindi pa rin nagbabago ang mga panuntunang ito. Maging matalino sana ang ating mga aplikante patungo sa abroad, lalo na sa pagbitaw ng kaniilang mga pera. Huwag na huwag nilang ibibigay iyon sa mga taong walang ibang pakay kundi ang kanilang salapi at makapangloko ng kapwa.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending