'Military asset' tinodas | Bandera

‘Military asset’ tinodas

John Roson - May 01, 2019 - 06:46 PM

PATAY ang isa umanong asset ng militar nang pagbabarilin ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army sa Bulusan, Sorsogon.

Itinakbo pa sa pagamutan si Dennis Espano, 28, ngunit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon Lunes, sa Brgy. Poctol.

Nagmamaneho si Espano ng tricycle, na inupahan para maghatid ng mga dadalo sa isang libing, nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo.

Sugatan naman sina Zoren Furio, 21, at Lilian Monteo, 54, nang tamaan ng mga ligaw na bala sa kamay at balikat.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na si Espano ay dating courier ng NPA.

Pinaghinalaan umano siya ng mga rebelde na nagbibigay na ng impormasyon sa mga tropa ng pamahalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending