OFWs paboritong target ng mga abusadong taxi drivers | Bandera

OFWs paboritong target ng mga abusadong taxi drivers

Susan K - May 01, 2019 - 12:15 AM

BAKIT nga ba madalas biktimahin ng mga taxi driver ang ating mga OFW?
Iniisip siguro nilang galing sa abroad ang mga ito kaya sigurong may dalang pera ang mga ito.
Pero lume-level up na ang mga krimen ng taxi driver na pumipick-up mula sa airport.
Hindi na sila nakuntento sa paniningil ng sobra-sobra, kundi garapalang pangho-hold-up pa nga ang ginagawa nila.

Tulad ng isang taxi driver na taga- Las Pinas. Una na siyang naaresto nang inireklamo itong naniningil ng labis sa kaniyang pasahero. Nang tumanggi itong magbayad ng P1,250, pinagbantaan niya itong papaluin ng kanyang gulong.

Hindi doon huminto si Kuyang driver. Inulit na naman niya ito sa isang OFW na galing sa Hongkong.

Nagpapahatid lang ang OFW sa terminal ng bus sa Pasay City ay hiningan siya ng P2,400. Sabi ng OFW, wala pa siyang Philippine peso at dadaan pa siya sa isang foreign exchange para makapagpapalit.

Nang bumaba ang kasama ng OFW na siyang magpapapalit, pinatakbo ng driver ang taxi dala ang OFW.

Doon na niya hiningi ang cellphone at pera ng OFW sabay sabing babarilin siya nito kung hindi niya ibibigay.

Sa takot ng OFW, ibinigay niya ang kanyang cellphone at $40 cash. Ibinaba siya ng driver sa kahabaan ng C-5 kung saan malayo na ito sa bus terminal na dapat niyang binabaan.

Maliwanag na holdaper din ang taxi driver. Dati rati, sila ang hinoholdap, ngayon ganyan na kagarapal ang panghoholdap ng mga ito mula sa paniningil ng labis labis at sasabihing presyong arkilado ‘anya sila at hindi namamasadang taxi.

Mabuti na lamang ay naitago ng OFW ang dispatch slip na inabot sa kanya sa airport at iyon ang naging basehan ng kanyang sumbong.

Paalala ni MIAA General Manager Ed Monreal, mahalagang itago nila ang mga dispatch slip upang kaagad mahabol at papanagutin ang mapang-abusong mga driver.

Ngayon, sa mga taxi driver, masisisi n’yo ba kung ayaw nang sumakay sa inyo ng ating mga kababayan? Kahit pa medyo mahal sa transport provider, okay na rin iyon sa kanila dahil iniisip nilang mas ligtas sila doon at hindi pa makukunsumi ng dahil sa kanilang mga pang-aabuso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending