Aldub Nation: Walang susuko, tuloy lang ang paglaban para kina Maine at Alden | Bandera

Aldub Nation: Walang susuko, tuloy lang ang paglaban para kina Maine at Alden

Jun Nardo - April 30, 2019 - 12:25 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

DINAGSA ang event ni Maine Mendoza last Saturday sa SM Seaside Cebu City kaugnay ng endorsement niya ng MAC Studio Fix.

Mahigit 10 security/bouncer ang pumalibot kay Meng upang maiwasan ang pagkakagulo ng fans na talagang maaga pa lang ay sumugod na sa nasabing mall para makita up close and personal ang Dubsmash Queen.

Kita sa mga pictures na naglabasan sa social media ang dami ng taong pumunta sa event na tuwang-tuwa nang masilayan ang kanilang idolo.

“Daghang salamat, Cebuanos! Hope you learned a lot from today’s master class with @RBChanco! Til next time, Cebu,” tweet ni Maine bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang event.

Samantala, tungkol naman sa kanyang ka-loveteam sa phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga, bumalik uli sa Hong Kong si Alden Richards para ipagpatuloy ang shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo na “Hello Love Goodbye”.

Ngayong tapos na ang grand opening ng binuksang international food chain ng kanilang pamilya, totodo na uli ang Pambansang Bae sa pagtatrabaho.

Bukod sa pelikula nila ni Kathryn, magiging busy din si Alden sa iba pa niyang showbiz commitments, kabilang na ang concert series ng Studio 7 sa iba’t ibang panig ng mundo.

And of course, hindi pa rin bumibitiw ang AlDub Nation sa kanilang dasal at hiling na muling pagtatambalin sina Maine at Alden ng GMA 7 – sa tamang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending