Sikat na male celeb umaalingasaw ang kabadingan, bata pa lang malambot na
HINDI na bago sa pandinig ng mga dating kaibigan ng isang kilalang male personality sa kanilang probinsiya ang kuwentong may kalambutan siya.
Nu’n pa man ay alam na ng mga ito na isang araw ay lalabas din ang katotohanan, kusang aamin ang male perso-nality sa kanyang kasarian, mangyayari ‘yun nang walang pilitan.
Kuwento ng aming source, “Nu’n pa, alam na ng mga kaklase niya na may bahid ang male personality.
May maitatago ka ba naman sa school? E, halos araw-araw kayong magkakasama?
“Nu’ng bagets pa si male personality, e, puro pambabaeng kanta na ang paborito niya. Kapag may school program, e, siya ang pambato ng klase nila.
“Magaling talaga siyang kumanta, pero ang mga songs niya, e, kina Whitney Houston, Celine Dion at iba pang sikat na international singers na babae.
“Natural, marami nang nagdududa nu’n sa gender niya. Kumanta ka ba naman ng mga girl songs, nandu’n na siyempre ang mga tanong kung bakit, di ba?” unang chika ng aming source.
Marami silang magkakapatid, lalaki at babae, alam ng mga kalaro ng male persona-lity na may kakaibang katangian siya.
“Di ba, ang mga toys ng batang lalaki, e, baril-barilan, kotse-kotsehan, ganu’n? Nilalaro niya naman ‘yun, nakikita siya ng mga playmates niya.
“Pero nilalaro rin niya ang doll ng sister niya, binibihisan niya ang doll, sinusuklayan, inaayusan. Ikaw, hindi ka pa ba mag-iisip ng iba kapag ganu’n? Siyempre, maglalaro na sa utak mo na iba nga siya!
“Kaya nu’ng lumabas ang kuwento na malambot nga siya, e, hindi na na-shock ang mga dati niyang kalaro at classmate, ‘yun na ‘yun!
“At least, nagpakatotoo siya! E, ang dami-daming male personalities na ganu’n na rin nu’ng bata pa sila, pero in denial pa rin sila hanggang ngayon tungkol sa gender nila.
“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba naman ng clue kung sino siya? Mark my word, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!” pagtatapos ng aming source,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.