John Lloyd game na game sa selfie kahit mukhang ermitanyo

By Bandera April 24,2019
share this

John Lloyd game na game sa selfie kahit mukhang ermitanyo

By Bandera April 24,2019
share this

JOHN LLOYD CRUZ

Mukhang napapadalas na ang paglabas-labas ngayon ni John Lloyd Cruz. Nitong mga nakaraang linggo ay palaging nasa public place ang Kapamilya actor.

In fairness, Unang pinagkaguluhan si John Lloyd nang bumisita siya sa Wao, Lanao Del Sur kung saan game na game siyang nakipag-selfie sa mga tagaroon.

Nito namang nakaraang Miyerkules Santo, April 17, ay naispatan naman ang partner ni Ellen Adarna sa isang lugar sa Cagayan de Oro na ibang-iba na nga ang itsura.

Hindi na kasi siya tulad noon na laging mukhang bagong ligo at laging mabango. Base sa mga photo na naka-post sa socmed medyo mahaba na ang hair niya at de-bigote na rin.

Comment nga ng ilang netizens tatay na tatay na ang kanyang aura. May nagsabi naman na mukha na siyang ermitanyo sa kanyang itsura pero lutang pa rin ang kaguwapuhan at kakaibang karisma.

Sa mga kumalat na litrato ni Lloydie sa social media, makikita ang aktor na nasa P.O.P.S., isang All-Filipino restaurant sa Corrales Avenue corner Chaves Street sa CDO noong Sabado de Gloria.

At game pa rin siyang nagpa-picture sa service crew ng restaurant pero hindi nasabi ng mga nag-post ng picture kung sino ang kasamang kumain doon ni John Lloyd o may dinalaw lang na kaibigan tulad nang pagbisita niya sa ilang kaibigan sa Lanao del Sur.

Hindi pa rin malinaw kung kailan babalik sa showbiz si Lloydie pero may chika kamakailan na may gagawin siyang commercial para sa isamg shawarma brand na ineendorso rin ni Piolo Pascual.

Iniwan ni JLC ang mundo ng showbiz para sa isang simpleng buhay kasama si Ellen at ang anak nilang Elias Modesto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin nina Ellen at Lloydie na meron na silang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending