Marian emosyonal sa Pasko ng Pagkabuhay: Dahil kasama ko ngayon ang asawa ko at 2 anak namin | Bandera

Marian emosyonal sa Pasko ng Pagkabuhay: Dahil kasama ko ngayon ang asawa ko at 2 anak namin

|April 22,2019
facebook
share this

Marian emosyonal sa Pasko ng Pagkabuhay: Dahil kasama ko ngayon ang asawa ko at 2 anak namin

- April 22, 2019 - 12:35 AM

NAGING emosyonal si Marian Rivera kahapon, Easter Sunday nang mag-post siya ng mensahe sa Instagram na may kaugnayan sa pagiging nanay at paglabas sa mundo ni Jose Sixto Dantes IV.

Ayon sa Kapuso actress, talagang dininig ng Diyos ang lahat ng ipinagdasal nila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes, mula sa kanilang kasal hanggang sa pagkakaroon ng mga anak.

Feeling blessed ang mag-asawa ngayon dahil bukod nga kay Zia ay biniyayaan pa sila ng isa pang supling, ito ngang napaka-cute na si Baby Sixto kaya talagang wala na silang mahihiling pa.

“Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito,” ang caption ni Marian sa Instagram photo ng kanyang mag-ama.

Ayon pa kay Marian, ang celebration nila ng Easter Sunday kahapon ang pinaka-espesyal so far dahil kasama niya sina Dindong, Ate Zia at Baby Sixto.

“Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila– si Dong, si Letizia at si Sixto– sila ang aking buhay,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending