Alessandra ibinandera ang hubo’t hubad na katawan

April 22,2019
share this

Alessandra ibinandera ang hubo’t hubad na katawan

April 22,2019
share this


LUMIKHA naman ng ingay sa social media ang latest IG photo ni Alessandra de Rossi.

Mas pinainit pa ni Alex ang summer season nang mag-post siya ng kanyang halos hubo’t hubad na litrato sa Instagram. Makikita sa photo na nakaupo ang dalaga habang malayo ang tingin.

Ang nasabing litrato ay bahagi ng photo shoot na kanyang ginawa with celebrity photographer Andrei Suleik para sa kanyang new series na may titulong “Alessandra De Rossi, Epitome of Filipina Beauty.”

“Lahat na lang nag-beach sa sobrang init! Teka! Handa ako,” ang maikling caption ni Alex sa kanyang mapangahas na nude photo.

As usual, kung marami ang pumuri at humanga sa balingkinitang katawan ng aktres, marami rin ang nangnega sa kanya lalo na ang mahilig sa body shaming.

Ayon sa isang basher, kung kailan daw tumanda si Alessandra ay saka naman ito “nagwawala”, payat lang daw ito at hindi naman proportion ang katawan. Pero may nagtanggol naman sa aktres at sinabing mas perfect ang body ni Alex kesa sa ibang sexy stars sa tabi-tabi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending