Coco sa basher: Sana bago ka mawala sa mundo may nagawa kang kabutihan, hindi puro paninira! | Bandera

Coco sa basher: Sana bago ka mawala sa mundo may nagawa kang kabutihan, hindi puro paninira!

Alex Brosas |April 22,2019
facebook
share this

Coco sa basher: Sana bago ka mawala sa mundo may nagawa kang kabutihan, hindi puro paninira!

Alex Brosas - April 22, 2019 - 12:05 AM

EXASPERATED perhaps over rumors about him, FPJ’s Ang Probinsyano star Coco Martin took to social media to quash his detractors.

Maganda ang paliwanag ni Coco sa kanyang aria. It was not boastful, devoid of arrogance and bereft of condescension.

“Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa.

“Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. hindi kami nang aapi at nang aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam sa buhay ng ibang tao.

“Sabi sakin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang mag sumikap sa kanilang trabaho at mag aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag usapan ang buhay ng ibang tao para manira!

“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan.

“May kanya kanya tayong buhay at tayo ang mag dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

“Nagtatrabaho lang ako at meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko.

“Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipakinabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan!

“Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko.

“Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo!

“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sa sarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.”

Bravo, Coco! That’s how decent people e explain their side.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending